Thursday, September 26, 2019
Monday, December 26, 2016
Signs na Buraot Ka
1. Mahilig ka magpalibre kahit sa di mo kakilala.
2. Mangugutang ka sa Facebook tapos nambablock ka pag sinisingil ka na. Minsan nirereport user mo pa.
3. Mabait ka lang tuwing kinsenas at katapusan.
4. Nanghihingi ka ng pagkain para may iupload sa Instagram mo.
5. Kabisado mo birthday ng mga tao upang hiritan mo sila ng libre.
6. Mahilig ka bumisita sa mga kaibigan at kamag-anak tuwing may okasyon dahil sa FREE FOOD!
7. Mahilig kang trumopa sa may kotse upang makatipid sa pamasahe.
8. Kapag may nahulog na pagkain sa sahig, nakikipagunahan ka pa sa mga mikrobyo.
9. Kapag inimbitahan ka sa isang party, laging kang nagsasama ng iba pa.
10. Kapag inalok ka ng pagkain, humihirit ka pa ng panulak, payosi at palahat.
11. Nagkakakalyo ka na sa mukha dahil sa sobrang kapal nito. Bukod sa kalyo sa mukha, mukha ka pang paa.

Thursday, June 2, 2016
Signs na Isa Kang Hampaslupa
1) Mas takot ka sa katapusan ng buwan kesa sa katapusan ng mundo.
3) Allergic ka sa pagkaing lagpas 50 pesos.
4) Paborito mong ulam ang corned beef.
5) Limited ang eat out mo sa fishballs, squidballs, kwek-kwek at kahit ano pang tinutusok.
6) Nakaasa ang mga pangarap mo sa pagkapanalo mo sa Lotto.
7) Surf powder ang gamit mong panlaba dahil sa free text.
8) Excited ka tuwing tax refund.
9) Nagsusuot ka ng punit na pantalon di dahil uso kundi ay dahil wala ka lang pambili.
10) Binabasa mo ang article na ito ngayon!
Wednesday, June 1, 2016
Betlog is Love
Ang pag-ibig parang betlog,
mahirap mag-isa, kailangan mo ng kasama
Ang pag-ibig parang betlog,
minsan di pantay ang dalawa
Ang pag-ibig ay parang betlog,
kahit na magkaiba, andyan pa rin sa isa't isa
Ang pag-ibig parang betlog
pag nasaktan ang isa, surebol damay ang isa pa
Ang pag-ibig parang betlog,
may times na matamis, may times na maalat
Ang pag-ibig parang betlog,
minsan matigas, minsan malambot
Ang pag-ibig parang betlog,
minsan di maiiwasan na mapaglaruan
Ang pag-ibig parang betlog,
minsan masakit, lalo na pag naiipit
Ang pag-ibig parang betlog,
sapat na ang dalawa, mahirap i-manage pag sumobra
Ang pag-ibig parang betlog,
merong forever - forever kulubot
Tuesday, May 31, 2016
Signs na Babad Ka sa Porn
1. Matagal ka kung gumamit ng banyo.
5. Kilala mo sila Lexi Belle, Mia Khalifa, Sasha Grey, Alexis Texas, Asa Akira at Abella Anderson.
7. Minsan nang na-virusan ng matindi ang PC mo.
8. Minsan na ring na-virusan ang Facebook mo.
9. Matagal mo nang namaster ang Alt + Tab Technique.
2. Madalas kang magkulong sa iyong kwarto.
3. Di na pantay ang laki ng iyong mga braso.
4. Kapansin-pansin ang iyong kalyo ka sa kamay.
6. Meron kang mga porn vids sa cellphone mo.
7. Minsan nang na-virusan ng matindi ang PC mo.
8. Minsan na ring na-virusan ang Facebook mo.
9. Matagal mo nang namaster ang Alt + Tab Technique.
10. Malalaki na ang eye bags mo.
11. Alam ni Google ang mga sinisearch mo.
Tuesday, May 10, 2016
Change is Coming
Tuesday, December 8, 2015
Bakit Ka Ayaw Paupuin ng Lalake sa MRT?
1. Hindi Ka Niya Priority
Buntis at disabled lang ang priority bigyan ng upuan sa MRT at hindi ang maarte at nagmamaganda.
2. Masyadong Mataas and Expectations Mo
Nag-MRT ka e. Wag ka mag-expect na makaupo ka. Pasalamat ka na lang na nakasakay ka.
3. Hindi Ka Ganun Ka-Special
Sa dami ng nakasakay sa MRT, wag isipin na mapapansin ka niya. Hindi sa'yo umiikot ang mundo niya.
4. Hindi Ka Nagtanong
Alangan naman ibigay sa'yo ang isang bagay na hindi mo hinihingi. Baka naman puro ka lang papansin at parinig, see #3.
5. Mas Matindi Pinagdadaanan Niya Sa'yo
Hindi mo alam kung ano pinagdadaanan niya. Malay mo mas pagod sya sa'yo. Malay mo nabalian sya habang naglalakad pasakay MRT. Malay mo najejebs sya. Gustuhin niya man paupuin ka, hindi na kakayanin ng katawan niya.
6. Tulog Siya
Malamang di ka nga niya mapapansin kung tulog siya.
7. Di Ka Nag-Aappear sa Radar Niya
Bakit? Crush o syota ka ba niya?
8. Wala Siyang Pake sa Feelings Mo
Wag na ipagsiksikan sarili mo sa kanya. Masasaktan ka lang.
9. Mas Mukha Ka Pang Lalake Kesa sa Kanya
Tuesday, October 13, 2015
Mga Political Platforms Para sa Halalan 2016
1) Para masolusyunan and kakulangan sa bigas, malupit na ipagbabawal ang pag-eextra rice kung overweight.
2) Malupit na ipagbabawal ang pagdodouble park lalo na kung wala kang sasakyan.
3) Mahigpit na pagtitibayin pa lalo ang human rights. Ang di sumunod, papaslangin nang walang kalaban-laban.
4) Ang sinumang gumawa ng kahayupan sa ibang tao ay hindi na maipagtatanggol ng Commission on Human Rights... PETA pwede pa.
5) Malupit na ipagbabawal ang paglagay ng letrang "H" sa mga pangalan na hindi ito dapat kalagyan tulad ng Pedroh, Jhaymes, Joseh, Bhogart at Micoh.
6) Para maiwasan ang trapik tuwing holiday, malupit na pagbabawalan mag-mall ang mga estudyante.
7) Para mabawasan ang kaso ng maagang pagbubuntis, lalagyan ng age requirement ang pagmamahal. Ibabalik na rin ang anime sa mga TV stations tuwing hapon.
8) Para sa transparency, ipagbabawal na ang Metrosexual sa Maynila. Ano yun? Isang metro na lang at tapos na ang pagkalalake? Mabuti na ang malinaw.
9) Para sa sanitation, malupit na ipatutupad ang urinal etiquette o tamang paggamit ng urinal. Kung di maiwasan ang pagtingin sa kargada ng katabi, iwasan magkumpara.
10) Si Yaya Dub ang gagawing official spokesperson.
11) Para matigil ang kontrobersya ng pambubugaw kay Pastillas Girl, uusigin na lamang ang ABS-CBN na idaan sa fixed marriage ang lahat.

Mga etiketa:
Canned Thoughts,
Halalan 2016,
Political Platforms
Thursday, February 26, 2015
Mga Palatandaan na Sikat Ka Na
1) Nagtitinginan ang mga tao kapag nandyan ka.
Note: Pwede ring nacurious sila kung bakit wala ka sa zoo ikaw na animal ka!
2) Nagtitilian ang mga babae kapag nakikita ka.
Note: Kaso sigaw nila, "WAAAAA! Manyakis!!!"
3) Kinikilig ang mga taong natatabihan mo.
Note: Nginig tawag dun pre. Natatakot silang ma-isnatch gamit nila tapos saksakin mo pa.
4) Maraming Likes ang mga pics at status mo sa Facebook.
Note: Aminin mo. Ikaw din yung 500+ na nakalike na yun.
5) Nahahaselan kang pumunta sa matataong lugar.
Note: Takot mo lang na makilala ka at magulpi ng taong bayan.
6) Gusto mo palagi sa mamahaling mga lugar.
Note: Alam mong mayayaman ang mga tao dun. Tiba-tiba ka sigurado sa makukulimbat mong gamit.
7) Laging nababanggit pangalan mo.
Note: Lalo na sa news. Either suspek sa isang krimen o wag daw tularan.
8) Naglipana ang pictures mo sa Facebook at sa kung saan-saang lugar.
Note: Wanted Posters
9) May mga pulis na nakaescort sa mga lugar na pinupuntahan mo.
Note: Wanted ka nga e. Minamanmanan nila kilos mo. Kung ako sayo, magtago ka na!
Saturday, February 21, 2015
Mga Senyales na Masyado Kang Busy
![]() |
| Nahugot mula sa Someecards. |
1) Kapag may lakad ang barkada niyo, iniimbitahan ka nila ONE YEAR before.
2) Naalala mong ninong ka pala sa binyag ng anak ng kaibigan mo nung makita mo ang pics ng debut niya.
3) Mas marami pa ang gamit mo sa opisina kesa sa bahay.
4) Masuwerte na ang Facebook friends mo kapag na-seenzoned mo sila.
5) Anlalaki ng mga masels mo. Kaso sa ilalalim ng mata. Tinalo mo pa ang panda sa laki ng eyebags mo. Tulog tulog din pag may time.
6) Lunchbreak, coffeebreak at yosibreak na lang ang depinisyon mo ng bakasyon.
7) Mas matagal pa ang shift mo kesa sa shift ng sikyu ng opisina niyo.
8) Namimiss mo nang kiligin nang tunay. Tuwing umiihi ka na lang kinikilig.
9) Kapag umuuwi ka sa inyo, madalas kang napagkakamalang nanloloob ng bahay.
10) Kapag nagpopost ka ng picture, automatic #TBT agad yun.
11) Pinagdadasal ng mga kaibigan mo na sana mamatay ka na. Bakasakaling magparamdam ka na sa kanila kapag multo ka na.
12) Nalalaman ng barkada mo ang kahulugan ng "PATIENCE", lalo na kapag sinusubukan ka nilang kontakin.
13) Nauulol ang mga kaopisina mo kapag di ka pumasok.
Wednesday, February 18, 2015
10 Signs na Malandi Ka
![]() |
| Nahugot mula sa www.wheninmanila.com |
1) Mas mataas ang ratio ng opposite sex sa Facebook friends mo.
2) FilAm ka. Filingera ka na nga, Ambisyosa ka pa.
3) Agresibo ka. Takot kang maubusan.
4) Competitive ka. Kaya madalas mong kumpetensyahin ang syota ng iba.
5) Kapag niyaya ka, oo agad sagot mo. Kaladkarin ka e. Para kang Globe - GO LANG NANG GO!
6) Kapag nakikipag-usap ka, may halong himas pa. Ano ka? Si Alladin? Nagbabakasakaling may genie na lumabas?
7) Nagsabi ka ng "I love you"... kaso send to many.
8) Tiningnan ka lang, feeling mo crush ka na. Brinoadcast mo pang tangina ka.
9) Nung minsan kang madapuan ng higad, higad pa ang nangati sayo.
10) Galit ka sa malalandi. Kaya madalas kang galit sa sarili mo. Wag ganun teh! Love yourself.
Sunday, January 25, 2015
Sampung Klase ng Kaibigang Di Mo Kailangan
![]() |
| Nahugot mula sa https://starlight427.wordpress.com/ |
Hindi sila nabubulok. Habambuhay buhay para sa iyo, Ganun ang plastik di ba? Panghabambuhay! Habambuhay ka niyang paplastikin. Sa totoo lang, mahirap silang i-spotan. Kailangan mo pang maghintay ng baha para sila magsilutangan.
![]() |
| Nahugot mula sa http://wilkesbarrerecycles.com/index.html |
Sila ang mga kaibigan mong ubod ng ingay. Nakakatakot pagsabihan ng sikreto dahil baka maibroadcast sa buong mundo. Boses niya pa lang, siguradong drain na ang powers mo sa buong araw. Tunog lata kasi ang bunganga. Minsan naiisipan mo nang busalan pero nakukunsensya kang gawin. Kasi okay naman siya - maingay lang talaga. Well, kahit na para silang lata, at least di sila plastik.
![]() |
| Nahugot mula sa http://nakngjueteng.blogspot.com/ |
Ano nga ba ang talangka? Shellfish di ba? Crab Mentality lang alam nyan. Di mo sila kailangan. Hihilahin ka lang pababa ng mga yan.
![]() |
| Nahugot mula sa http://henshingrid.blogspot.com/ |
Kailangan lahat ng topic bida siya. Kung hindi man siya, ang mahalaga e ang kwento mo ay daig niya. Competitive lang teh? Kung ang barkada nyo ay power rangers, malamang sa malamang siya si red ranger. Di bale, mukha naman siyang megazord.
![]() |
| Nahugot mula sa https://queenmelbee.wordpress.com/ |
Kung ang social climber ay hobby lang, ito naman ay professional na. Okay pa nga ang social climber, kahit papano tumitino pag nahuhuli. E ito, mahirap na dahil di mo na maaninag kasi masyado nang mataas ang naakyat niya. Kesyo katropa niya raw sila Anne Curtis, dati daw siyang niligawan ni John Lloyd Cruz o siya daw ang pang-anim na member ng Backstreet Boys. Tigas lang ng utot e - konkreto! Minsan mapapatanong ka na lang sa sarili mo kung nasobrahan ba ito ng kakabasa ng tabloid o sumindi ng kulangot.
6) Imaginary Friend
Walangya. Antanda-tanda mo na may imaginary friend ka pa rin? Well, mas masama kung imaginary friend na nga e nilagay mo pa sa next level ang relationshit nyo - IMAGINARY GIRLFRIEND!
7) Hudas
Ito yung mga taong hanep lang mang-iwan sa ere. Akala mo bestfriend mo. Ikaw lang ang may akala nun! May kasabihan ngang "keep your friends close, your enemies closer". Sa oras ng iyong kahinaan, daig niya pa si Terminator kung mangterminate.
8) Ka-IBIG-an
Ito yung tipo ng kaibigan mong alam mong may ulterior motive. Kaya siya nakikitropa sa inyo e dahil may target siya. Ingat ka iha tuwing mag-isa, baka sa isang iglap sunggaban ka niya. Style niyan e yayayain ka mag-inom. Kunwari nag-group text sa barkada, pero ikaw lang ang sinendan niya. Tsk tsk. Tandaan, kapag may alak, may manyak.
9) John Michael
Sila ang mga tipo na kaibigan mo lang kapag kailangan ka nila. Kaya nga John Michael. NanJOHN lang pag MICHAELangan.
10) Tanga
Sila ang mga kaibigan mong di mo alam kung sobrang bait o tanga lang talaga. Sila ang madalas biktimahin ng mga John Michael. Okay lang naman kasi sana maging tanga. Kaso pagdating sa kanya, overquota na siya. Mas gugustuhin mo pa na naging baliw na lang siya. At least ang baliw may lunas pa. Pero ang tanga, wala na.
Mga etiketa:
Canned Thoughts,
Friends,
John Michael,
Kaibigan,
Plastik
Friday, January 23, 2015
Pinoy Text Scam Fail
Tindi talaga ni Auntie Jocelyn! Nasa kabilang buhay na nga e nakuha pang mag-alok ng business. Walangya! Bigtaym e. Nagpaload pa ata kay San Pedro para maitext ako.
Come to think of it, wala naman pala akong auntie na Jocelyn ang pangalan.
Come to think of it, wala naman pala akong auntie na Jocelyn ang pangalan.
Thursday, January 22, 2015
Wednesday, January 21, 2015
Mga Senyales na Babaero ang Boypren Mo
1) Minsan na lang siya magtext.
Bihira na lang siyang magtext sayo dahil may katext na siyang iba.
Exemption:
a) Wala siyang load
b) Wala siyang cellphone
c) Landline gamit niya
2) Hindi siya makatingin ng diretso sayo.
Ang tao, kapag nagsisinungaling o nakagawa ng kasalanan, umiiwas ng tingin. Subukan mo siyang kausapin o tanungin habang nakatingin sa mata nya. Kapag di ka rin niya matingnan sa mata, malamang sa malamang ay may nagawa siyang kasalanan sayo.
Exemption:
a) May sakit siya sa mata (bulag, banlag, etc.)
3) Ayaw niyang ipahiram ang cellphone niya sayo.
Kapag ganito, madalas e may tinatago siyang sikreto sayo. Malaki ang chance na ayaw niyang makita mo ang pakikipaglandian niya sa ibang babae (o lalake).
Exemption:
a) Wala siyang cellphone
4) Ayaw niyang magkasama kayo sa matataong lugar.
Ito ay dahil baka may makita siya ng ibang chiks niya at magkaroon pa ng eksena at mapahiya siya o kaya ay malaman mong ikaw pala ang chiks niya dahil ang tunay niyang syota ang makakahuli sa inyo.
5) Siya ang nagdidikta sa relasyon niyo - siya ang batas.
The boss is always right. Um-oo ka na lang.
6) Ayaw niya sa Valentines Day

| Batas |
Nahihirapan siyang pumili kung sino ang ibabalentayms niya sa inyo.
7) Hindi siya Kiss-and-Tell
Don't expect na may makikita kang sex scandal niya na kasama ang ibang babae. Kung meron man, hindi siya ang kumuha nun.
8) Mataas ang self-esteem.
Sobrang gwapo ng tingin niya sa sarili niya. Feeling niya lahat ng babae papatol sa kanya. Pwede na siyang Bench/ model. Anlupit magbuhat ng bangko... pati sofa, kama, tv at refridyerator binuhat niya na rin.
9) Animal siya.
Ang earthworm ay may limang puso, tatlo ang sa octopus at isa sa tao. Kapag nagmahal na siya ng higit sa dalawang tao, google mo na kung anong hayop siya.
10) Mahilig siya sa babae.
Well, kaya nga siya babaero kasi mahilig siya sa babae. Kung di siya mahilig sa babae, safe ka, Yun nga lang pwede ka na ring kabahan, may posibilidad na bakla siya.
7) Hindi siya Kiss-and-Tell
Don't expect na may makikita kang sex scandal niya na kasama ang ibang babae. Kung meron man, hindi siya ang kumuha nun.
8) Mataas ang self-esteem.
Sobrang gwapo ng tingin niya sa sarili niya. Feeling niya lahat ng babae papatol sa kanya. Pwede na siyang Bench/ model. Anlupit magbuhat ng bangko... pati sofa, kama, tv at refridyerator binuhat niya na rin.
![]() |
| Lumuhod kayo! Andito na ang panginoon ng mga pogi. |
Ang earthworm ay may limang puso, tatlo ang sa octopus at isa sa tao. Kapag nagmahal na siya ng higit sa dalawang tao, google mo na kung anong hayop siya.
![]() |
| Tatlo ang puso ng octopus. Ilan kaya ang sa boypren mo? |
Well, kaya nga siya babaero kasi mahilig siya sa babae. Kung di siya mahilig sa babae, safe ka, Yun nga lang pwede ka na ring kabahan, may posibilidad na bakla siya.
![]() |
| Wag mo na tangkaing magkaboypren ng kahit sino sa mga iyan. Ipagpapalit ka lang nila... sa lalake. |
Saturday, November 22, 2014
Paano Isabi sa Isang Tao na Mabaho Siya in a Subtle Way
Aminin niyo. Sa buong buhay niyo e may nakaengkwentro na kayong tao na may putok o kaya ay may body odor. Gusto niyong punahin ang amoy niyang yun pero nahihiya kang sabihin ito sa kanya. Siguro dahil sa takot mo na ma-offend siya o kaya sa takot mong masamain niya masyado ang sinabi mo.
Wag ka nang mangamba, kaibigan. Ito na ang mga solusyon kung paano mo pwedeiaddress ang body odor ng isang tao in a subtle way.
1) License Approach
Tabihan mo siya at tapikin, sabay tingin sa kilikili niya at sabihing, "May permit to carry ka ba?"
2) New Year Approach
Tingnan mo uli siya sa bandang kilikili, sabay bati ng "Pre, ang aga ata ng preparation mo para sa new year. Adbans happy new year!"
3) Tae Approach
"Ay akala ko nakaapak ako ng tae. Katabi lang pala kita."
4) Parinig Approach
Iwasan mo siya ng tingin sabay sabi ng malakas, "Tanginang utot yan! Sa pores lumalabas."
5) Warrior Approach
"Hulaan ko. Either sundalo ka o fighter no? Amoy pa lang, mandirigma na."
6) Biglang-Gutom Approach
Kuha ng phone at tawagan ang jowa, "Hon, ipagluto mo naman ako ng sinigang pag-uwi ko. Nagcrave ako bigla nung nakaamoy ako ng maasim e."
7) Royalty Approach
"Omaygad! Kilala kita!!! Isa kang royalty na nakilala ko noong nadestino ko Mindanao. Wait. Wait. Datu... Datu Puti, right?"
8) Bagoong Approach
"Uy! Hulaan ko pabango mo. Imported yan no? Ayan yung bago ng Polo Sport... yung may bagoong extract."
9) Bayabas Approach
"Brad. Kelan pa naging deodorant ang bayabas?"
10) Parinig Approach 2.0
Sabihin mo ng malakas, "Hay nako! May isang tao dito na di epektib ang deodorant niya."
Then tapikin mo siya at bulungan ng "Don't worry. Di ikaw ang pinaparinggan ko. Wala ka namang ginamit na deodorant e."
11) Day and Night Approach
"Hi miss! Sorry ha. Nacurious lang kasi ako. Bakit ganun? Gabi na pero amoy araw ka pa rin?
Mga etiketa:
Amoy Araw,
Body Odor,
Canned Thoughts,
Putok
Friday, August 1, 2014
What Does Your Yosi Say About You?
1. Marlboro Red - Macho
Kung isa ka namang babae at ito ang sigarilyo mo, dapat kang katakutan at i-respeto ng kalalakihan. Bukod sa isa kang machong klase ng babae, kaya mo ring nakawin ang mga puso nila sa isang iglap... or pwede ring ang virginity nila.
2. Marlboro Lights - Medyo Bad Boy
Macho ka rin at di takot mamatay pero di naman buo ang loob mo. Angkin mo ang lahat ng ugali ng Marlboro Red, pero slight lang. Para kang nakikipaghabulan kay kamatayan in a less dangerous way.
3. Marlboro Black - The Social Climber
Nagyoyosi ka nga, pero iwas ka naman sa lasa ng mapait na usok at nikotina. Nakikipaghabulan ka rin kay kamatayan pero in a comfortable way. Nagsisigarilyo ka for the benefit na maipakitang "cool" ka. Pero sa totoo lang, ngumunguya ka lang naman talaga ng menthol na chewing gum.
4. Marlboro Ultra Lights - The Social Mountaineer
ANAK NG BAKLANG BURAOT! Nagyosi ka pa! Kapag ito ang gamit mo, para kang nagyoyosi na hindi. Parang sinindihan mo lang yung hangin tapos naka-filter ka pa. Di kapareho ng Marlboro Black, pinapakita mo na nagyoyosi ka pero mas mahal ang ginagastos mo. Nagpapausok ka for the benefit lang na maipakitang "cool" ang pagsisigarilyo mo, pinapakita mo rin kung gaano ka ka-burgis.
5. Hope - Father-Figure
Unless isa kang tatay o nasa edad 45 years old pataas, wala kang karapatang gamitin ito.
6. Fortune Red - Macho on a Budget
Kapareho ng Marlboro Red, macho at matapang ka rin. Ang kaibahan lang ay nagtitipid ka dahil gipit ka pa sa pera. Nevertheless, angkin mo pa rin naman ang dugo at amoy mandirigma.
7. Ito Na - Ito Na ang Papatay Sayo!
Adventurous at risk-taker ka! Kapareho ng mga yosi ng Ito Na, lagi kang nagsusugal kung ano ang kahihinatnan mo. Mahilig ka sa surprise dahil nakakasurprise ang pagkakaiba-iba ng lasa ng bawat yosi nito. Sa halagang 12 pesos na 30 piraso kada kaha, siguradong exciting ang katapusan mo sa murang halaga.
8. Magkaibigan - Hardcore
Sa packaging pa lang na parang lalagyan ng gawgaw, siguradong maghihimutok ang iyong sixth sense na delikado ang sigarilyong ito. Bukod sa wala itong filter, sinisigarilyo rin ito habang nasa loob ng bibig mo ang baga. Dito nabibigyan ng totoong meaning ang katagang "naglalaro ng apoy." Sa Magkaibigan, mas matapang ka pa sa gumagamit ng Marlboro Red. Kung sila ay nakikipagsagupaan ng harapan kay kamatayan, ikaw naman ang humahabol kay kamatayan.
9. Vapes - Bading na Social Climber
Takot ka sa usok at nikotinang dala ng tunay na yosi kaya ito ang gamit mo. Takot kang magka-lung cancer pero gusto mo pa ring ipakita na cool ang pag-hithit buga ng usok. Labo mo lang men! Either ituloy mo na lang ang pagsisigarilyo o kaya tigilan mo na lang ito. Kesa naman gumagastos ka pa ng pagkamahal mahal para lang masabing tumigil ka na sa pagsisigarilyo.
Mga etiketa:
Canned Thoughts,
Fortune,
Hope,
Ito Na,
Magkaibigan,
Marlboro,
Sigarilyo,
Vapes,
Yosi
Subscribe to:
Posts (Atom)