Wednesday, January 21, 2015

Mga Senyales na Babaero ang Boypren Mo

1) Minsan na lang siya magtext.
Bihira na lang siyang magtext sayo dahil may katext na siyang iba.

Exemption:
     a) Wala siyang load
     b) Wala siyang cellphone
     c) Landline gamit niya




2) Hindi siya makatingin ng diretso sayo.
Ang tao, kapag nagsisinungaling o nakagawa ng kasalanan, umiiwas ng tingin. Subukan mo siyang kausapin o tanungin habang nakatingin sa mata nya. Kapag di ka rin niya matingnan sa mata, malamang sa malamang ay may nagawa siyang kasalanan sayo.

Exemption:
    a) May sakit siya sa mata (bulag, banlag, etc.)


3) Ayaw niyang ipahiram ang cellphone niya sayo.
Kapag ganito, madalas e may tinatago siyang sikreto sayo. Malaki ang chance na ayaw niyang makita mo ang pakikipaglandian niya sa ibang babae (o lalake).

Exemption:
     a) Wala siyang cellphone

4) Ayaw niyang magkasama kayo sa matataong lugar.
Ito ay dahil baka may makita siya ng ibang chiks niya at magkaroon pa ng eksena at mapahiya siya o kaya ay malaman mong ikaw pala ang chiks niya dahil ang tunay niyang syota ang makakahuli sa inyo.

5) Siya ang nagdidikta sa relasyon niyo - siya ang batas.
The boss is always right. Um-oo ka na lang.
Batas
6) Ayaw niya sa Valentines Day
Nahihirapan siyang pumili kung sino ang ibabalentayms niya sa inyo.

7) Hindi siya Kiss-and-Tell
Don't expect na may makikita kang sex scandal niya na kasama ang ibang babae. Kung meron man, hindi siya ang kumuha nun.

8) Mataas ang self-esteem.
Sobrang gwapo ng tingin niya sa sarili niya. Feeling niya lahat ng babae papatol sa kanya. Pwede na siyang Bench/ model. Anlupit magbuhat ng bangko... pati sofa, kama, tv at refridyerator binuhat niya na rin.
Lumuhod kayo! Andito na ang panginoon ng mga pogi.
9) Animal siya.
Ang earthworm ay may limang puso, tatlo ang sa octopus at isa sa tao. Kapag nagmahal na siya ng higit sa dalawang tao, google mo na kung anong hayop siya.

Tatlo ang puso ng octopus. Ilan kaya ang sa boypren mo?
10) Mahilig siya sa babae.
Well, kaya nga siya babaero kasi mahilig siya sa babae. Kung di siya mahilig sa babae, safe ka, Yun nga lang pwede ka na ring kabahan, may posibilidad na bakla siya.
Wag mo na tangkaing magkaboypren ng kahit sino sa mga iyan. Ipagpapalit ka lang nila... sa lalake.



No comments:

Post a Comment

Get this gadget at facebook popup like box