Saturday, June 14, 2014

Mga Senyales Na Hindi Boy Ang Boypren Mo

1. PURO LALAKE LANG ANG KAIBIGAN NIYA
Bukod sayo at mga kamag-anak niya, bilang lang ang mga kaibigan niyang babae. Lalake marami, pero babae onti.

Exemption to the rule: isa siyang andrologist o kaya preso na may mahaba-habang sentensya


Chicser? Oh c'mon!

2. HINDI NIYA KILALA SILA BRUCE WAYNE, DARTH VADER AT CHUCK NORRIS
Ang tatlong iyan ay tatlo sa pinaka-icon ng pagiging lalake. Kung di niya kilala ang mga ito, medyo mag-isip isip ka na.

Exemption to the rule: isa siyang alien, time traveler galing sa past na nabuhay before kay Chuck Norris o siya si Bruce Lee

Kung ito ang boypren mo, wag ka na magduda sa pagiging lalake niya
3. LAGING ON DIET
Hindi masama ang pagdidiyeta. Pero kung mukhang ginagawang hobby na ng boypren mo ang pagdidyeta, hindi kaya may sasalihan siyang rampa?

Exemption to the rule: 6 inches lang ang bituka nya

4. MAS MADALAS PA MAG-SELFIE KESA SAYO
Kapag ang 3 selfie mo per day ay katumbas ng 3 album ng selfie nya per day, di kaya mas maganda pa siya kesa sayo?

Exemption to the rule: model o guinea pig siya ng isang skin company kung saan kailangan i-document nya per hour ang epekto ng ininom nyang experimental na gamot

Ang tunay na lalake ay di nagseselfie

5. MATAGAL MALIGO
Ang lalake mabilisan kung maligo. Parang ligong pato ba. Maliligo ka, madudumihan ka rin naman. Ano logic nun?

Dahil ang mga lalake ay nagmumultitask kapag naliligo

6. LAGING NASA GYM
Okay lang sa lalake ang pag-gi-gym. Di naman masama yun bagkus ay healthy yun. Pero kung ang boypren mo ay mas madalas sa gym kesa sa kumain sa isang araw, baka naman ibang pang-iispot na ginagawa niya dun.

Exemption to the rule: isa siyang gym instructor

Whatever makes you sleep tight at night bro

7. MAY ABS
Ito ay bilang pagsunod sa #5 sa Manifesto ng Tunay Na Lalake na ang tunay na lalake ay walang abs. Kung bakit? Hayaan niyong si Lourd na ang magpaliwanag dito.

Exemption to the rule: isang anime ang boypren mo

Ito lang ang katanggap-tanggap na abs

8. LAGING AHIT
Likas sa lalake ang pagiging balbon kaya hindi natural sa lalake ang pag-aahit sa binti, dibdib, kilikili at lalung-lalo na ng kilay.

Exemption to the rule: isa kang wrestler

Ang tanging katanggap-tanggap na pag-aahit sa lalake

9. GALIT SA BAKLA
Seryoso. Ang mga lalakeng galit daw sa bakla, mas madalas na bakla rin. Kung homophobic ang boypren mo, gudlak!

10. MAHILIG SA BASKETBOL
Kung ang boypren mo ay mahilig manood ng basketbol hindi dahil sa laro kundi sa mga players nito, hindi kaya mas trip niya pang maging cheerleader?

Hindi kaya ganito ang mga game highlights na inaabangan ng boypren mo?

11. MAGKAIBA ANG KULAY NG MUKHA SA LEEG
Simulan mo na magduda kapag ang mukha ng boypren mo ay either nasobrahan ng foundation o kaya bumangga sa isang truck ng espasol. Ang tunay na lalake ay di nagmamakeup.

Exemption to the rule: isa siyang clown

Katanggap-tanggap na rason ng pag-mamakeup ng isang lalake









2 comments:

  1. I find the blog entry one of the most amusing read. I love it! I thought number 9 should be number 1 lol....this made my day!

    ReplyDelete

Get this gadget at facebook popup like box