Monday, December 26, 2016

Signs na Buraot Ka

1. Mahilig ka magpalibre kahit sa di mo kakilala.

2. Mangugutang ka sa Facebook tapos nambablock ka pag sinisingil ka na. Minsan nirereport user mo pa.

3. Mabait ka lang tuwing kinsenas at katapusan.

4. Nanghihingi ka ng pagkain para may iupload sa Instagram mo.

5. Kabisado mo birthday ng mga tao upang hiritan mo sila ng libre.

6. Mahilig ka bumisita sa mga kaibigan at kamag-anak tuwing may okasyon dahil sa FREE FOOD!

7. Mahilig kang trumopa sa may kotse upang makatipid sa pamasahe.

8. Kapag may nahulog na pagkain sa sahig, nakikipagunahan ka pa sa mga mikrobyo.

9. Kapag inimbitahan ka sa isang party, laging kang nagsasama ng iba pa.

10. Kapag inalok ka ng pagkain, humihirit ka pa ng panulak, payosi at palahat.

11. Nagkakakalyo ka na sa mukha dahil sa sobrang kapal nito. Bukod sa kalyo sa mukha, mukha ka pang paa.

No comments:

Post a Comment

Get this gadget at facebook popup like box