Thursday, September 26, 2019

Signs na Malala ang Trapik

1. Kinakain ng biyahe ang majority ng araw mo.


2. Papasok ka ng napakaaga, uuwi ka ng umaga.


3. Yung baon mo panglunch nakakain mo na ng dinner.


4. Malapit na maging kayo ng katabi mo sa biyahe.


5. Nagkaroon na ng sequel, prequel at spinoff ang panaginip mo habang nasa biyahe.


6. Sa opisina mo na lang ibinabawi ang kulang mong tulog.


7. Napupuno mo na ng utot ang upuan sa van o bus.


8. Kaya mo na ipredict ang mga pagkakasunud sunod ng kanta sa radyo ng sinasakyan mong pampublikong sasakyan.


9. Nakahabol ka sa latest episode ng "Ang Probinsyano" mula season 1 episode 1.


10. Minsan naisip ko nang umalis na lang dito. Kalimutan ang lahat, lumipad, lumayooo.


11. Kinanta mo ang #10.


12. Can relate ka at binabasa mo pa rin to.

No comments:

Post a Comment

Get this gadget at facebook popup like box