Friday, August 1, 2014

What Does Your Yosi Say About You?

1. Marlboro Red - Macho


Bitbit mo ang kulay pula na sagisag ng ka-machohan at katapangan. Isa kang tunay na lalake dahil di ka takot sa kanser at kay kamatayan. Dumadaloy sa iyong mga ugat ang dugong mandirigma. Pati sa iyong mga pores, dumadaloy din ang amoy mandirigma.

Kung isa ka namang babae at ito ang sigarilyo mo, dapat kang katakutan at i-respeto ng kalalakihan. Bukod sa isa kang machong klase ng babae, kaya mo ring nakawin ang mga puso nila sa isang iglap... or pwede ring ang virginity nila.

2. Marlboro Lights - Medyo Bad Boy


Macho ka rin at di takot mamatay pero di naman buo ang loob mo. Angkin mo ang lahat ng ugali ng Marlboro Red, pero slight lang. Para kang nakikipaghabulan kay kamatayan in a less dangerous way.

3. Marlboro Black - The Social Climber

Nagyoyosi ka nga, pero iwas ka naman sa lasa ng mapait na usok at nikotina. Nakikipaghabulan ka rin kay kamatayan pero in a comfortable way. Nagsisigarilyo ka for the benefit na maipakitang "cool" ka. Pero sa totoo lang, ngumunguya ka lang naman talaga ng menthol na chewing gum.

4. Marlboro Ultra Lights - The Social Mountaineer

ANAK NG BAKLANG BURAOT! Nagyosi ka pa! Kapag ito ang gamit mo, para kang nagyoyosi na hindi. Parang sinindihan mo lang yung hangin tapos naka-filter ka pa. Di kapareho ng Marlboro Black, pinapakita mo na nagyoyosi ka pero mas mahal ang ginagastos mo. Nagpapausok ka for the benefit lang na maipakitang "cool" ang pagsisigarilyo mo, pinapakita mo rin kung gaano ka ka-burgis.

5. Hope - Father-Figure

Unless isa kang tatay o nasa edad 45 years old pataas, wala kang karapatang gamitin ito.

6. Fortune Red - Macho on a Budget


Kapareho ng Marlboro Red, macho at matapang ka rin. Ang kaibahan lang ay nagtitipid ka dahil gipit ka pa sa pera. Nevertheless, angkin mo pa rin naman ang dugo at amoy mandirigma.

7. Ito Na - Ito Na ang Papatay Sayo!

Adventurous at risk-taker ka! Kapareho ng mga yosi ng Ito Na, lagi kang nagsusugal kung ano ang kahihinatnan mo. Mahilig ka sa surprise dahil nakakasurprise ang pagkakaiba-iba ng lasa  ng bawat yosi nito. Sa halagang 12 pesos na 30 piraso kada kaha, siguradong exciting ang katapusan mo sa murang halaga.

8. Magkaibigan - Hardcore

Sa packaging pa lang na parang lalagyan ng gawgaw, siguradong maghihimutok ang iyong sixth sense na delikado ang sigarilyong ito. Bukod sa wala itong filter, sinisigarilyo rin ito habang nasa loob ng bibig mo ang baga. Dito nabibigyan ng totoong meaning ang katagang "naglalaro ng apoy." Sa Magkaibigan, mas matapang ka pa sa gumagamit ng Marlboro Red. Kung sila ay nakikipagsagupaan ng harapan kay kamatayan, ikaw naman ang humahabol kay kamatayan.

9. Vapes - Bading na Social Climber

Takot ka sa usok at nikotinang dala ng tunay na yosi kaya ito ang gamit mo. Takot kang magka-lung cancer pero gusto mo pa ring ipakita na cool ang pag-hithit buga ng usok. Labo mo lang men! Either ituloy mo na lang ang pagsisigarilyo o kaya tigilan mo na lang ito. Kesa naman gumagastos ka pa ng pagkamahal mahal para lang masabing tumigil ka na sa pagsisigarilyo.

1 comment:

  1. Winston - poor man's Marlboro, ang Live's ng hindi makapag-Levi's. Machong blue collar.

    ReplyDelete

Get this gadget at facebook popup like box