Sunday, January 25, 2015

Sampung Klase ng Kaibigang Di Mo Kailangan

Nahugot mula sa https://starlight427.wordpress.com/
1) Non-Biodegradable
Hindi sila nabubulok. Habambuhay buhay para sa iyo, Ganun ang plastik di ba? Panghabambuhay! Habambuhay ka niyang paplastikin. Sa totoo lang, mahirap silang i-spotan. Kailangan mo pang maghintay ng baha para sila magsilutangan.

Nahugot mula sa http://wilkesbarrerecycles.com/index.html
2) Lata
Sila ang mga kaibigan mong ubod ng ingay. Nakakatakot pagsabihan ng sikreto dahil baka maibroadcast sa buong mundo. Boses niya pa lang, siguradong drain na ang powers mo sa buong araw. Tunog lata kasi ang bunganga. Minsan naiisipan mo nang busalan pero nakukunsensya kang gawin. Kasi okay naman siya - maingay lang talaga. Well, kahit na para silang lata, at least di sila plastik.
Nahugot mula sa http://nakngjueteng.blogspot.com/
3) Talangka
Ano nga ba ang talangka? Shellfish di ba? Crab Mentality lang alam nyan. Di mo sila kailangan. Hihilahin ka lang pababa ng mga yan.

Nahugot mula sa http://henshingrid.blogspot.com/
4) Red Ranger
Kailangan lahat ng topic bida siya. Kung hindi man siya, ang mahalaga e ang kwento mo ay daig niya. Competitive lang teh? Kung ang barkada nyo ay power rangers, malamang sa malamang siya si red ranger. Di bale, mukha naman siyang megazord.

Nahugot mula sa https://queenmelbee.wordpress.com/
5) Social Mountaineer
Kung ang social climber ay hobby lang, ito naman ay professional na. Okay pa nga ang social climber, kahit papano tumitino pag nahuhuli. E ito, mahirap na dahil di mo na maaninag kasi masyado nang mataas ang naakyat niya. Kesyo katropa niya raw sila Anne Curtis, dati daw siyang niligawan ni John Lloyd Cruz o siya daw ang pang-anim na member ng Backstreet Boys. Tigas lang ng utot e - konkreto! Minsan mapapatanong ka na lang sa sarili mo kung nasobrahan ba ito ng kakabasa ng tabloid o sumindi ng kulangot.


6) Imaginary Friend
Walangya. Antanda-tanda mo na may imaginary friend ka pa rin? Well, mas masama kung imaginary friend na nga e nilagay mo pa sa next level ang relationshit nyo - IMAGINARY GIRLFRIEND!

7) Hudas
Ito yung mga taong hanep lang mang-iwan sa ere. Akala mo bestfriend mo. Ikaw lang ang may akala nun! May kasabihan ngang "keep your friends close, your enemies closer". Sa oras ng iyong kahinaan, daig niya pa si Terminator kung mangterminate.

8) Ka-IBIG-an
Ito yung tipo ng kaibigan mong alam mong may ulterior motive. Kaya siya nakikitropa sa inyo e dahil may target siya. Ingat ka iha tuwing mag-isa, baka sa isang iglap sunggaban ka niya. Style niyan e yayayain ka mag-inom. Kunwari nag-group text sa barkada, pero ikaw lang ang sinendan niya. Tsk tsk. Tandaan, kapag may alak, may manyak.

9) John Michael
Sila ang mga tipo na kaibigan mo lang kapag kailangan ka nila. Kaya nga John Michael. NanJOHN lang pag MICHAELangan.

10) Tanga
Sila ang mga kaibigan mong di mo alam kung sobrang bait o tanga lang talaga. Sila ang madalas biktimahin ng mga John Michael. Okay lang naman kasi sana maging tanga. Kaso pagdating sa kanya, overquota na siya. Mas gugustuhin mo pa na naging baliw na lang siya. At least ang baliw may lunas pa. Pero ang tanga, wala na.

1 comment:

Get this gadget at facebook popup like box