Thursday, June 26, 2014

Tunay Na Kahulugan Ng Iyong Trabaho



Sa totoo lang, mahirap talaga maghanap ng trabaho lalung-lalo na kung di mo talaga alam kung ano ang gusto mong gawin sa buhay. Pero mas mahirap kung alam mo na ang gusto mong gawin, kaso iba naman pala ang trabaho mo. Ito ang ilan sa mga karaniwang "tunay" na kahulugan ng job description mo:

1. Must Have A Pleasing Personality
Bawal ang panget dito

2. Customer-Oriented
Demonyo ang mga customers namin. Ikaw muna ang sumalo ng lahat ng galit nila.

3. Fast-Paced Environment
Walang training training. Magsimula ka na. Now na! Oo nga pala, next week na tapos ng kontrata mo.

4. Casual Working Atmosphere
Wala kaming perang panggawa ng uniform niyo!

5. Self-Starter
Bahala ka sa buhay mo!

6. Strong Multitasking Skills
Tatrabahuhin mo yung trabaho nung tatlong nagresign last week.

7. Dedicated Team Player
Bawal kang humindi sa iuutos ko sayo. mwehehe

8. Amenable for Overtime
Sa 22 oras na trinabaho mo, 8 oras lang ang babayaran namin sayo.

9. Career-Oriented
Wala kang social life. Opisina lang ang buhay mo. Walang break break. Ihi lang pahinga mo.
Oh yeah, bawal ka rin magresign.

10. Highly Competitive
Ang matirang buhay at the end of the month lang ang susweldo.

11. Can Work Well Under Pressure
Araw-araw ka naming gigisahin sa sarili mong mantika.

12. Flexible
Wala ka talagang permanenteng trabaho. Baka bukas makalawa, pagtimplahin kita ng kape at paglinisin ng inidoro.

No comments:

Post a Comment

Get this gadget at facebook popup like box