Monday, June 30, 2014

Mga Senyales Na Wala Ka Nang Pera


1. NA-AAPPRECIATE MO ANG SIMPLE THINGS IN LIFE.
Nagsisimula mo nang mapansin ang kahalagahan ng maliliit na bagay tulad ng mga de lata, instant noodles, at tira-tirang barya.

2. NANININGIL KA NG UTANG.
Hinahanap mo ang lahat ng nagkautang sayo kahit pa mula ng pagkabata mo para singilin ng perang pwede mong magamit.

3. NAHAHANAP MO ANG MGA TUNAY MONG KAIBIGAN.
Lalung-lalo na silang kayang maglabas ng pera mapautang ka lang.

4. LUMALABAS ANG PAGKA-RESOURCEFUL MO.
Natututo kang pahabain at pagsagad ng mga bagay na nakokonsumo mo.

Eksampol:

  • Para makatipid sa shampoo, ginagawa mo na rin itong sabon.
  • Para makatipid sa tubig, inaantay mo na lang umulan. Mas madalas ka nang mag-birthday kesa sa maligo.
  • Para makatipid sa tissue, hinuhugasan mo uli ito para mapakinabangan uli.

5. VALUE MEALS.
Nakakagawa ka ng sarili mong value meals sa halagang bente pesos pababa.

Eksampol: 
  • Kanin + fishbol
  • Kanin + toyo, suka at patis galing karinderya
  • Kanin + KFC gravy
  • Kanin + luha

6. NAPAPASIMBA KA.
Free lunch sa communion.

7. NAGLILINIS KA NG BAHAY.
Nililinis mo ang iyong tirahan at umaasang may mahanap na nakasiksik na barya.

8. NAAALALA MO ANG MAGULANG MO.
Nagmamadali kang umuwi sa iyong mga magulang dahil sigurado kang libre lahat sa bahay ng magulang mo.

9. ISA KANG ESTUDYANTE SA KOLEHIYO.
Aminin mo. Noong nasa kolehiyo ka, normal na sa iyo ang walang pera.

1 comment:

  1. Noong ako e nasa kolehiyo, hindi na ako bumiili ng kending halagang tatlo P2. Nanghihingi na laang ako ng isa sa sinumang bumibili. At syempre, hindi dapat sa iisang tao ka laang manghihingi para hindi matandaan.

    ReplyDelete

Get this gadget at facebook popup like box