Monday, January 6, 2014

Gwapo vs. Pogi

Dalawa lang ang klasipikasyon ng lalake sa mundo: ang GWAPO at POGI. Hindi ako naniniwala na merong lalakeng panget. Dahil kahit hindi ka pinagpala sa pisikal na kaanyuan e kaya mo pa rin maging kaaya-aya sa mata ng kababaihan. Tingnan mo na lang ang mga kagaya nila Ramon Bautista, Bogart the Explorer at Jun Sabayton. Di sila kagwapuhan pero lintek sila ng sex appeal.

Sabi ng manunulat na si Stanley Chi, ang pagiging gwapo, inborn; ang pagiging pogi, napag-aaralan. Oo nga naman. Kasi ang pagiging gwapo ay lahi-lahi lang yan. Kumbaga pisikal na kaanyuan lang yan. Hindi lahat ng lalake pwede maging gwapo. On the other hand, ang ka-pogian ay ang outlook mo sa sarili at sa bagay-bagay. In other words, ka-pogian ay ang attitude mo. Hindi lahat ng lalake pwede maging gwapo pero lahat ng lalake pwede maging pogi. Lahat ng gwapo pwede maging pogi samantalang ang mga pogi di lahat pwede maging gwapo. Gets?

Mas gugustuhin ko ang tinatawag akong pogi kesa sa gwapo. Una sa lahat, tanggap ko naman sa sarili ko na di ako gwapo o ipinanganak na may magandang pisikal na kaanyuan. Aba! Kung pinanganak lang sana akong gwapo e di sana unemployed si John Lloyd Cruz ngayon. Pangalawa, low maintenance lang ang pagiging pogi. Di mo na kailangang gumastos sa gym, magpafacial o magpahid ng kung anu-anong kemikal sa mukha para gumanda ang itsura dahil wala ka naman talagang itsura in the first place. Huwag maghangad ng wala. Ultimately, hindi kaya lahat ng gwapo, lalake. Gwapo man sa iyong paningin, lalake pa rin ang dadalihin.

Pero at the end of the day, di rin naman talaga mahalaga kung gwapo ka o pogi. Ang mahalaga ay responsible ka sa pagiging gwapo o pogi mo. Aanhin ang kagwapuhan/ka-pogian, kung gagamitin lang ito sa kasamaan. Be gwapo responsibly. Be pogi responsibly.

"Ang Gwapo at Pogi parang Lalake at Bading, parehong may etits kaso magkaiba pa rin."
-Stanley Chi

1 comment:

Get this gadget at facebook popup like box