Pero kung iisiping mabuti at pipilosopohin, hindi natin talaga kayang itae ang pera. Pero kung nagkataon siguro na itinatae natin ang pera, siguro pasalamat na lang tayo at maliliit na ang piso ngayon at di tulad noong araw na parang pwede pang gamitin sa rambulan. Kasi isipin mo na lang kung itae natin ang mga yun. Kawawa naman siguro ang mga pwet natin kapag nataong nakatihayang lumabas ang barya sa mga butas natin. Aba! Paano pa kung yung malalaking dalawang piso na puro de kanto ang itinae natin? Lintsak yan! Imbis na langit ang piling habang nakaupo sa trono, e impyerno ang dalang peligro. Baka pagkatapos lumabas ng malalaking barya, permanente na ang mga butas natin. Well, at least di na tayo magpapakahirap umire sa sunod na upo natin sa trono. Tipong sisinga ka na lang, solb na.
Thursday, January 2, 2014
Hindi Itinatae And Pera
Madalas nating marinig sa matatanda ang mga salitang "hindi itinatae ang pera". Madalas nating naririnig ang mga ito sa mga magulang kapag sinisermunan ang anak nilang kapag nagiging aksayado sa pera. Oo nga naman, hindi madali ang kumita ng pera lalung lalo na sa sitwasyon ng bansa nating isang kahig, sampung tuka.
Mga etiketa:
Canned Thoughts,
Coins,
Kasabihan,
Pera,
Pinoy Humor,
Tae
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment