Wednesday, January 1, 2014

Unang Putok 2014

Taong 2014. Ito daw ang year ng wooden horse. Swerte daw sa taon na ito ang mga pinanganak sa year of the horse. Swerte rin daw ang color green pati ang kahit anong may kinalaman sa kabayo. Ibig kayang sabihin nun na tanging ang mga ipinanganak sa year of the horse lang ang may karapatang swertehin sa taon na ito samantalang ang ibang ipinanganak sa hayop ng ibang taon ay magdidildil na lang ng luha habang inaantay dumating ang taon nila? Swerte rin kaya sa taon na ito kapag green-minded ka? Swerte rin ba kapag ipinanganak kang mukhang kabayo? Aba ewan ko lang talaga! Siguro tutungga na lang ako ng red horse buong taon dahil malay natin at swertehin ako...swertehing magkatama ang atay!

Ayan ang isa sa kultura nating mga Pilipino. Mahilig tayo magpapaniwala sa mga feng shui feng shui, astrology at horoscope na yan. In the first place, di naman talaga natin kultura ang mga yan dahil sa mga Tsino talaga ang mga yan. Bakit? Chinese ka ba o nag-iintsik intsikan lang. Sabagay, social climbing is more fun in the Philippines. Pangalawa, parang anlabo lang din kasi na sa 7.046 bilyong tao sa mundo e ikukulob lang ang ating kapalaran sa doseng zodiac signs at doseng horoscope. So kung ang hula para sa mga aries sa araw na ito ay "Masasagasaan ka ng truck ng basura.". Ay punyemas! Andaming truck ng basura ang dudurog sa mga lansanagan natin at malamang sa malamang ay andami agad malalagas sa populasyon ng mundo. O paano rin kung ang hula sa mga capricorn ay "mananalo ka sa lotto". Hindi kaya mas mababa pa sa balik taya ang makuha natin kapag capricorn ka?

Mahilig tayong magpapaniwala sa kapalaran kahit minsan hindi na ito kapani-paniwala. Sa kabilang banda, ito siguro ang kinagandahan nating mga Pilipino. Sa kabila ng kahit anong kamalasan, umaasa pa rin tayo. Di tayo nauubusan ng pag-asa. Hindi masama ang umasa. Ang masama, hanggang asa na lang tayo. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.

No comments:

Post a Comment

Get this gadget at facebook popup like box