Ilalabas na uli ang libro ng pinakapaborito kong manunulat na si Eros Atalia. Ito ay pinamagatang Taguan-Pung at Manwal ng Pagpapatiwakal. Aaminin ko na sobrang nahirapan akong maghanap ng librong ito dati. Muntik ko na kayang isanla kaluluwa ko sa kung sino mang papatol mabigyan lang ako ng librong ito dati. Buti na lang talaga at naisalba ang kaluluwa ko nang mag-peysbook ako at makita ko ang larawang ito. Halu-halong tuwa, kilig at kabag ang naramdaman ko nung malaman ko pang si Manix Abrera ang gumawa ng cover at mga drawings daw sa loob ng libro. Para bang bumalik ako sa pagkabata at una kong mapapanood na magsasanib pwersa gamit ang fusion sila Son Gokou at Vegeta. Parang ganun.
Isa sa pinakamalaking impluwensya sa buhay ko ang manunulat na si Ginoong Eros Atalia. Naalala ko pa noong isa pa lamang akong ordinaryong empleyado na kumikita ng kalawanging barya at aksidente kong mabili ang libro niyang Ligo Na U, Lapit Na Me. Shet na malagket! Doon nawarak ang mura kong kaisipan na hindi lang pala tatlo ang klasipikasyon ng mga babasahin sa wikang Filipino: mga librong pang-SIBIKA/HEKASI, mga librong seryosong literatura, at mga librong pang-romance pocketbook. Hindi pala lahat ng babasahin sa wikang Filipino ay nakakaantok at boring basahin para sa isang taong medyo may alanganing sapak ng ADHD na tulad ko. Aba! Kung kapareho niya lang sanang magsulat yung mga manunulat ng librong inaral namin noong hayskul e di sana hindi ako bumagsak sa Filipino ng tatlong taon.
Maniwala kayo sakin kapag sinabi kong magaling manunulat na ito kung ayaw niyong may masamang mangyari sa inyo. Basta pakakaabangan na lang natin ang librong ito para mas makumbinsi pa kayo.
Para kay Ginoong Eros Atalia, kung nababasa mo ito, mabuhay ka! Itaguyod mo ang kapakanan ng mga alien at lamang lupa! Nagtitiwala kami sa kagalingan mo! *insert Shigi Shigi Shaider song here*
kalian po lalabas s bookstore ung book?
ReplyDelete