Aminin mo, isa sa pinakamasarap na feeling sa mundo ay ang makatanggap ka ng text sa crush mo. Ansarap lang sa pakiramdam na kilala ka niya at naaalala ka niya. Second worst feeling naman sa mundo ay ang malaman mong ang text niyang yun ay wrong send o kaya group message lang pala. Pero di bale, dedma na lang yun at paniniwalaan mo na lang ang sarili mo na sadya niya lang yun. At dahil dun madali mong papatulan at rereplyan ang text niya. Dito na papasok ang ultimate at first worst feeling sa mundo... ang di ka niya rereplyan.
Hasel di ba? Parang pinaglaruan lang ang feelings mo tapos bigla kang iiwan sa ere. Feeling mo, pinaasa ka lang niya. Pero feeling mo lang iyon. Hindi porke't di siya nag-reply, wala na siyang pakialam sayo. Well, pwedeng meron o pwedeng wala. Wag mo muna i-assume na wala dahil ito ang mga karaniwang dahilan kung bakit di ka nirereplyan ng crush mo:
1. WALA SIYANG LOAD.
Load ang pinakamadalas na problema ng di pagrereply sa mga text. Subukan mong pasahan siya ng piso sa tuwing magtetext ka sa kanya para ma-obliga siyang magreply sayo. Iwasan mong pa-loadan siya dahil di niya alam kung sino talaga ang nagpa-load sa kanya. Sige ka, baka iba pa ang umako ng pagpapa-load sa kanya at masulutan ka pa.
2. NANAKAW ANG SELPON NIYA.
Well, di naman talaga siya makakareply kung wala siyang selpon. Kunsensya mo na lang na baka nung nagtext ka at binasa niya ang text mo e nasaktuhan namang ma-snatch selpon niya dahil nakalabas. Para di ka bagabagin ng iyong kunsensya, regaluhan mo na lang siya ng bagong selpon as soon na malaman mong nanakawan siya.
3. NAKALIMUTAN NIYANG MAGREPLY.
Madalas itong nangyayari lalo na kung inaantok na ang tinext mo. Intindihin mo na lang na di ka niya iniitsipwera, kinapos lang siya memory sa utak kaya di siya nakareply.
4. BUSY SIYA.
Kapag busy ang isang tao, madalas kinakalimutan niya muna ang ibang gawain upang makapag-focus sa kanyang ginagawa. Baka busy lang siya sa kanyang trabaho, asayment o baka lang busy siya kasi may nilalandi na siya.
5. NOBELA ANG TEXT MO.
Ito ang iiwasan mong gawin. Ang mag-text ng pagkahaba-haba na para bang katapusan na ng mundo ang text mo. Sa haba ng text mo, most probably ay makatulog lang siya at di ka na ma-replyan. Pwede ring nagkataon na mahaba ang text mo tapos slow reader pa siya. Medyo antay ka na lang ng ilang linggo sa reply niya.
6. BORING KANG KAUSAP.
Nako! Kapag boring kang kausap, di ka talaga rereplyan nun. Sinasayang mo lang ang oras niya sa mga walang kwentang text na tulad ng "Hello po!", "Musta na?" at "Kumain na ba u?". Minsan bigyan mo siya ng mga tanong na tipong mapapaisip siya tulad ng "Ano ang naging sakit ng cured ham?", "Sino ang pumatay sa Dead Sea?" at "Anong pagkain si Grimace?". Surebol mapapaisip siya sa mga yun at di ka na magmumukhang boring sa mata nya.
7. DI KA NIYA TYPE.
Wag ka na umasa kapag ganito. Move on na agad.
8. LANDLINE ANG GAMIT MO.
No comments:
Post a Comment