Monday, June 23, 2014

7 Techniques Sa Pagpapapayat

Gawin lang ang mga tekniks dito at siguradong papayat ka!


1. DISIPLINA
Ito ang pinakamahalagang elemento ng pagpapapayat. Kung wala ito, siguradong walang kwenta ang effort na gagawin mo upang mabawasan ng timbang. Madali lang ang prosesong ito. Kailangan mo lang umiwas sa mga bagay na magpapataba sayo. Ugaliing iwasan ang mga salamin, timbangan, at mga litrato dahil siguradong mataba ka sa mga ito. Subukan mo rin iwasan ang mga tao dahil mapupuna nila ang laki mo. Either gabi ka na lang lumabas ng bahay kung saan tulog na sila at di na nila mapapansin ang katawan mo o kaya ay wag ka na lang talaga lumabas ng bahay. The less people know, the better.

Nakakataba talaga ang salamin lalo na kung titingnan mo ang sarili mo.


2. WATER THERAPY
Sa paraang ito, babalik tayo sa basics na pag-inom ng at least walong basong tubig kada araw at sigurado ang iyong pagpayat sa mga suunod na araw basta ba sasamahan mo ito ng regular na pag-eehersisyo. Pero kung gusto mong mas epektibo, try mo rin ang tubig imburnal. Sa dami ba naman ng dumi na maiinom mo, siguradong pati kaluluwa mo itatae mo. Ma-ospital ka man, payat ka naman.


Tubig Imburnal: Masakit sa tiyan, payat ka naman.


3. SOCIOLOGICAL APPROACH
Sa paraan na ito, di mo kailangan ang magbawas ng kinakain. Ang mahalaga, siguraduhin mo lang na mas marami ang kinakain ng mga kasama mo kesa sayo. Patabain mo lang ng patabain ang mga tao sa paligid mo dahil kung mas mataba sila kesa sayo, siguradong payat kang tingnan kumpara sa kanila.

Nakita niyo na ang punto ko?

4. AMPUTATION
Isa sa pinakamadaling approach sa pagbabawas ng timbang. Pero di dahil madali ito ay ibig sabihin ay di ito masakit. Kailangan mo lamang magpaputol ng isang parte ng katawan mo saka ka magtimbang uli. Mas epektib ang method na ito kapag binti ang pinaputol mo. Pero pinakaepektib kapag dalawang binti at dalawang braso ang pinaputol. Try mo tapos magtimbang ka.



5. NUDING DIET
Sa paraan na ito, kailangan mo lamang maghubad at humarap sa salamin sa tuwing kumakain ka. Mas nagiging conscious daw kasi ang isang tao sa katawan at pagkain niya kapag nakikita ang epekto nito. Mas epektibo gawin ang pagkain ng nakahubad sa harap ng salamin kung ikaw ay nasa pampublikong lugar. Di ka lang papayat dahil sa pagiging conscious mo sa epekto ng pagkain sa katawan mo, papayat ka dahil sa kahihiyan.

6. SLEEPING DIET
Madali lang isagawa ng diet na ito. Sa tuwing magugutom ka, uminom ka lamang ng sleeping pills. Mahirap kumain kapag tulog.

7. COMATOSE DIET
Teknik sa pagpapapayat just in case di epektibo ang sleeping diet sayo. Medyo mahirap lang siya kasi kailangan mo muna maghanap ng sakuna o kaya maghamon ng away sa mga sigang lasing sa lugar niyo. Kapag nasigurado mo nang malilintikan ka, siguraduhin mong medyo grabe ang pinsala sayo hanggang ma-comatose ka sa ospital. Kapag na-comatose ka na, surebol na pagpayat mo lalo na kung ma-comatose ka ng ilang taon. Siguraduhin mo lamang na ang mga mahal mo sa buhay ay di magpapasyang i-euthanasia ka habang natutulog ka.

No comments:

Post a Comment

Get this gadget at facebook popup like box