1. UMIHI NG NAKATAYO
Ang lalake ay natural na umiihi ng nakatayo. Iwasang umupo lalung-lalo na sa urinal.
2. UGALIIN ANG PAGSUNOD SA ONE URINAL APART POLICY
Upang maiwasan ang pagkakaroon ng awkward situations sa pag-jingle ng dalawang lalake, ugaliin ang paggamit ng urinal na at least isang unit ang layo sa bawat isa. Hangga't maaari ay gamitin ang urinal na pinakamalayo sa occupied na urinal.
Base sa larawan sa itaas, ganito naman ang dapat na pagkakasunud-sunod sa paggamit ng urinal sa sitwasyon na higit sa dalawang lalake ang jijingle.
3. IWASAN ANG PAGGAWA NG KAKAIBA O KAYA NG DI KAILANGANG INGAY
Iwasan ang pagsipol, pagtawa, pagngawa, pagkanta, pag-ungol o anumang ingay na pwede mong gawin para mailabas ang gaan ng iyong pakiramdam pagkatapos mo umihi. Di kaaya-aya sa mata at creepy kang tingnan kapag ginawa mo yun.
4. IWASAN ANG PAKIKIPAG-USAP SA KATABI
May oras sa pag-ihi at may oras sa pakikipagkwentuhan. Iwasan ang makipagkwentuhan sa katabi lalung-lalo na kung di mo siya kakilala. Una, kailangan niya ng matinding konsentrasyon para ilabas ang lahat ng kailangan niyang ilabas. Pangalawa, awkward.
5. IWASAN ANG "LOOK MA! NO HANDS!"
Isa marahil sa responsibilidad ng ating mga kamay ay ang gabayan ang instrumento na magdadala ng kinabukasan ng ating bayan. Kaya kung iihi ka, laging gabayan ng at least isang kamay ang iyong kaibigan upang di ito mawala sa landas at ultimately ay maiwasan ang pagwasiwas ng maduming tubig sa sahig o kaya sa katabi.
6. HUWAG MANILIP
Kailangang tandaan na ang direksyon ng ulo ay dapat nakatungo, nakatingala o nakadiretso lamang. Iwasan ang pagtingin sa kanan at kaliwa lalung-lalo na kung may katabi upang maiwasan ang potensyal na away o kasalanan.
7. BAWAL ANG EYE CONTACT
Iwasan eye contact lalung-lalo na kung nalabag mo ang Rule #6.
8. KALUGIN
Pagkatapos makaraos, ugaliin ang pag-alog o pag-shake ng iyong sandata. Ito ay upang maalis ang tira-tirang dumi sa dulo nito at di na kumapit sa inyong brip. Pakatatandaan lamang na tamang bilang o tagal lamang ang kailangan sa pag-shake nito. Dahil kapag lumagpas ka ng limang segundo o kaya lumagpas ka ng sampung pag-alog, iba na ang ginagawa mo.
9. PAHALAGAHAN ANG ORAS
Tandaan na ang pag-ihi ay may nakalaan na oras lamang para sa isang tao. Ugaliin na gawin ito sa loob lamang ng isang minuto. Hindi lang ikaw ang tao na gagamit ng urinal. Give chance to others.
10. KUNG KINAKAILANGAN, MAKIPAG-AWAY
Kung magkataon na makahuli ka ng tao na nilabag ang kahit anong rule dito, okay lang na makipag-away. Okay lang kung hamunin mo siya ng suntukan at magsuntukan kayo. Tandaan lamang na gawin ito pagkatapos mo na umihi at nakasuot na uli ng maayos ang shorts o pantalon mo. Ang ultimate rule lang dito kapag nakipagsuntukan ka, HUWAG NA HUWAG KANG TUTUMBA! KADIRI LANG MEN!
Naka-engkwentro ka na ba ng umiihing gumagamit ng cell phone? Kakaasar itsura e, parang combo ng # 3 at 5.
ReplyDeleteSo far di pa naman. Mas masama kung tablet pa gamit!
Delete#6 iwasan na nakadiagonal ang ulo at nasa gilid mata. nakakapraning.
ReplyDeleteDapat bang ikahiya kapag napautot ka sa CR habang umiihi? Dapat hindi na, 'di ba? Kasi pumunta ka na nga sa isang pribadong lugar.
ReplyDelete