Laging isaalang-alang sa pagpili at pagbili ng damit na dapat at least 2 sizes smaller ang iyong gagamitin. Pinakamaliit na size, mas maganda. Yung sa sobrang liit ay para bang sumisigaw ang iyong mga maskels ng "HOY! TINGNAN NIYO KO! NAG-GI-GYM AKO!!!"
Ang damit na mas masikip, mas ok upang ma-emphasize ang dibdib at abs |
Di lang dibdib at abs, dapat may kasamang angas din para mas macho tingnan |
2. MAG-FLEX
Hangga't may pagkakataon kang i-flex ang iyong maskels, gawin mo. Bukod sa lantaran mong pagpapakita ng malahita mong braso, isa rin itong ehersisyo upang mas lumaki ang maskels mo. Flex lang ng flex pag may time.
Kahit sa inuman, wag na wag kalimutan ang pagfe-flex |
3. PAGMASDAN ANG SARILI SA SALAMIN
Kapag napapadaan sa harap ng salamin o anumang reflective na bagay, ugaliing huminto at maglaan ng ilang segundo upang pagmasdan ang maganda mong katawan. Don't forget #2, FLEX!
Mas okay kung pipiktyuran mo pa ang iyong sarili para may remembrance ka para mamaya |
4. MAG-SLEEVELESS
Magsuot ng sando o kaya ng kahit anong sleeveless na damit upang ma-emphasize ang batu-bato mong biceps at triceps. Mas epektibo ito kung nakasando ka na, body fit pa! Di lang braso maipamumukha mo sa tao, pati na rin ang dibdib at mala-pandesal mong abs.
Pagmasdan kung gaano kamacho tingnan kapag naka-sando |
Pero mas machong tingnan kapag sagad ang pagka-sleeveless niyo |
5. IPAKITANG CONSCIOUS KA SA KINAKAIN
Laging magbaon ng calculator o kaya naman ay papel at panulat para maipakita sa mga kasama mo na nag-cocompute ka ng calories na makokonsumo mo sa kakaining pagkain. Iwasan ang mental computation dahil bukod sa mukha kang siraulong nakatulala sa pagkain, masisira ang purpose ng pagpapamukha mo sa mga tao na nag-gi-gym ka.
6. GYM SELFIES
Syempre may kasabihan tayong "to see is to believe" kaya nararapat lang na mag-upload ka ng mga piktyur mo habang nag-gi-gym ka. The more, the many-er. Mas mainam kung magpopost ka ng gym selfies mo araw-araw.
Isang necessity na ang pagdala ng phone sa gym para sa mga gym selfies |
7. GYM STATUS, TWEETS AT CHECK-INS
Bilang pagsuporta sa #6, kailangan mo ring mag-facebook status o kaya mag-tweet na mag-gigym ka. Pwede ring mag-post ka ng mga quotes tungkol sa fitness at motivation. Basta wag mong kakalimutan ang paggamit ng mga hashtags tulad ng #GymRat, #GetFit, #Macho, #Gym at #Diet dahil baka malito lang ang mga tao. Matuto ring gamitin ang location function ng facebook at check in ng foursquare para mas makumbinsi ang mga tao kung asan ka talaga.
Kaya kailangan talaga ang mga gym posts |
Ito marahil ang ultimate way para maipamukha mo sa mga tao ang pag-gi-gym mo in 3 easy steps:
STEP 1. Pansinin ang mga mali sa katawan ng iyong target.
STEP 2. Kausapin siya at punahin ang kanyang katabaan o kapayatan.
Ex. "Uy Mars! Alam mo di ka naman pala mukhang buntis e. Tumaba oo pero di naman buntis."
STEP 3. Sabay bawi sa pamamagitan ng pag-imbita sa kanya sa gym.
Ex. "Pero madali lang masolusyunan ang kajubaan mong yan. Gym lang katapat niyan. Sabayan mo kaya ako mamaya sa (insert name of gym here). Let's fight those fats!"
NOTE: Pwede kang magulpi dito lalung-lalo na kapag babae ang sinabihan mo ng "mata*a" tapos kabuwanan niya pa. Pero okay lang kahit magulpi ka, nag-gi-gym ka naman e.
PHOTO CREDITS TO:
MICHAEL THEO MUTIA AKA DEHINS TRILLO
BRUCHER OWENS BARBARIAN
No comments:
Post a Comment