|
Isa sa pinakamasakit na feeling sa mundo ay ang iwan ka ng mahal mo. Mas masakit dito ay kung iwan ka ng mahal mo dahil assuming ka. Assuming kang mutual ang feelings niyo sa isa't-isa pero sa totoo ay mahal ka rin naman niya..."as a friend" nga lang. Pero ang pinakamasakit sa lahat ay yung sabihin niyang "friends" kayo at mananatiling friends pero sa gawa ay wala nang pansinan at parang di na magkakilala kasi awkward na.
Kung nakakarelate ka, ibig sabihin ay minsan ka nang na-friendzone. Masakit di ba? Kung alam mo lang sana na masasaktan ka rin lang naman, sana di ka na lang nangahas sabihin sa kanya ang nararamdaman mo at siguro legit na "friends" pa rin kayo. Kung masasaktan ka rin lang naman, sana hinamon mo na lang siya ng suntukan.
Sa totoo lang, hindi naman siya ang may problema kung sumablay ka. Most probably, may nagawa kang mali kaya ayun ang hatol niya sayo. Kaya move on move on na lang, keep calm at mag-abang ng bago. Pero bago ka dumiga sa bagong prospect mo, siguraduhin mong tama na gagawin mo. Learn from your mistakes. Pero mas madali kung learn from other's mistakes. So, ito ang ibang pagkakamali at tips para makawala ka na sa friendzone:
1. Wag masyadong mabait. Isipin mo na lang na isa kang cake at siya ang kakain sayo. Sa simula okay lang na paulit-ulit na ikaw ang paborito. Pero in the long run, magsasawa rin siya sa ka-sweetan mo at naumay na siya sayo. Wag na wag kang palaging sweet sa kanya at minsan ay pakitaan mo rin siya ng onting kaasiman o kasupladuhan. Bawas-bawasan ang pagi
Ing sobrang mabait lalung-lalo na kung di mo rin naman kayang panindigan ang pagpapanggap mo.
Ing sobrang mabait lalung-lalo na kung di mo rin naman kayang panindigan ang pagpapanggap mo.
2. Hindi ka human tissue paper. Kapag malungkot siya, wag kang palaging umaaligid para tulungan siya. Hindi porke't ikaw ay ang kanyang "shoulder to cry on" ay aabusuhin mo na at magiging human tissue paper ka niya. Minsan hayaan mo lang siyang sarilinin niya ang problema niya para solusyunan niya ito mag-isa.
3. Magdagdag ng onting sahog. Minsan wag puro ka-sweetan ang ipakita mo sa kanya. Wag kang masyadong mabait. Minsan magdagdag ka ng onting ka-pilyuhan at ka-badboy-an. Chicks digs bad boys. Pero take note na onti lang ha? Mahirap kapag nasobrahan ng kapilyuhan dahil labas mo manyak. Mahirap din kapag nasobrahan ng ka-badboy-an dahil labas mo gago.
4. Wag masyadong malambot gumalaw. Ang mga lalake ay likas na brusko at macho gumalaw. Wag ka masyadong malambot dahil ang pakay mo ay maging boypren. Kaya nga boy kasi lalake kaya dapat lalake ka rin kumilos. Gusto mo maging boypren niya at hindi bff o manikurista.
5. Siguraduhin ang loyalty ng friends mo. Siguro isa ito sa dapat mong unang pagbigyan pansin. Siguraduhin mo na hindi abangers ang friends mo at siguraduhin mo rin na di ka lang niya ginagamit na tulay para sa isa mong friend. Kung maaari, wag mo ipaalam sa kanya kung sino ang friends mo o kaya maghanap ka na lang ng ibang set of friends na malabong matipuhan niya.
In example:
Mga babae rin, bakla, hayop, lamang lupa o kaya imaginary friends
Mga babae rin, bakla, hayop, lamang lupa o kaya imaginary friends
6. Wag mag-load at mag-internet. Minsan ay wag ka masyadong mabilis rumesponde sa mga text at status posts niya. Minsan naman magpa-miss ka. Isa siguro kaya madalas nafifeiendzone ang tao ay dahil lagi siyang nakikita o nararamdaman. Wag ka muna mag-load at mag-internet. Lumabas ka muna at magpahangin. Bukas mo na lang uli I-like at comment-an ang lahat ng facebook posts niya.
7. Groom yourself. Minsan kailangan mo rin talaga alagaan ang iyong sarili at itsura. Wag kang maniwala na hindi nila tinitingnan ang panglabas na katangian ng tao bagkus ang pangloob na itsura mo ang tinitingnan nila. Bakit? May x-ray vision ba sila para makita ang lamang loob mo? O kaya baka naman ay aswang sila kaya ang hanap lang nila sayo ay ang atay at balun-balunan mo. Isa talagang factor kung boypren material ka ay ang itsura mo. Kaya ahit ahit muna brad! Mukha ang kapalan at wag ang bigote.
Kung nagawa mo ang lahat ng tips na to, good job! From friendzone material, isa ka na ngayong boypren material. Pero kung nagawa mo na lahat to pero ang dahilan niya ay "focus muna siya sa studies" o kaya "di pa siya ready sa relationship", kumalas ka na. Wag maghold on at mag-move on ka na habang maaga. Malamang sa malamang, sayo lang lang applicable ang dahilan niyang yun. Hanap na lang uli ng panibagong prospect. Keep calm and mag-abang!
No comments:
Post a Comment