Minsan, may mga bagay talaga na di na hinahanap kahit matagal na itong nawawala. Isa na dito ang ex.
Kaya natatawa ko madalas sa math exams e. Lagi tayo nitong binibigyan ng problema na hanapin ang x. Problema talaga yun dahil once mahanap mo ang x, madalas y naman ang kasunod. Y as in bakit. Bakit ka pa nag-aksaya ng panahon hanapin ang taong bumitaw sayo? Medyo tanga lang di ba?
Kaya ex ang tawag sa ex kasi ekis na sya sa buhay mo. Crossed out na siya bilang source of happiness mo at isa na siyang source ng lungkot, galit o anumang masamang motibo mo ngayon. Ang dati niyong mga memories, corrupted files na lang ngayon. Walang ibang paraan para marecover kaya kailangan mo na lang alisin ito at ireformat ang buhay mo. Problema lang ang dala ng paghahanap sa ex na yan. Ang problema ay pinagdadaanan at di na tinatambayan at lalung lalo nang di binabalikan. Past has passed kaya move on move na lang tayo.
Posted via Blogaway
No comments:
Post a Comment