2) Malupit na ipagbabawal ang pagdodouble park lalo na kung wala kang sasakyan.
3) Mahigpit na pagtitibayin pa lalo ang human rights. Ang di sumunod, papaslangin nang walang kalaban-laban.
4) Ang sinumang gumawa ng kahayupan sa ibang tao ay hindi na maipagtatanggol ng Commission on Human Rights... PETA pwede pa.
5) Malupit na ipagbabawal ang paglagay ng letrang "H" sa mga pangalan na hindi ito dapat kalagyan tulad ng Pedroh, Jhaymes, Joseh, Bhogart at Micoh.
6) Para maiwasan ang trapik tuwing holiday, malupit na pagbabawalan mag-mall ang mga estudyante.
7) Para mabawasan ang kaso ng maagang pagbubuntis, lalagyan ng age requirement ang pagmamahal. Ibabalik na rin ang anime sa mga TV stations tuwing hapon.
8) Para sa transparency, ipagbabawal na ang Metrosexual sa Maynila. Ano yun? Isang metro na lang at tapos na ang pagkalalake? Mabuti na ang malinaw.
9) Para sa sanitation, malupit na ipatutupad ang urinal etiquette o tamang paggamit ng urinal. Kung di maiwasan ang pagtingin sa kargada ng katabi, iwasan magkumpara.
11) Para matigil ang kontrobersya ng pambubugaw kay Pastillas Girl, uusigin na lamang ang ABS-CBN na idaan sa fixed marriage ang lahat.
Haha! Puwedeng puwede yan lahat! Lalo na yung #1 and #9! Lolz!
ReplyDelete