Aminin niyo. Sa buong buhay niyo e may nakaengkwentro na kayong tao na may putok o kaya ay may body odor. Gusto niyong punahin ang amoy niyang yun pero nahihiya kang sabihin ito sa kanya. Siguro dahil sa takot mo na ma-offend siya o kaya sa takot mong masamain niya masyado ang sinabi mo.
Wag ka nang mangamba, kaibigan. Ito na ang mga solusyon kung paano mo pwedeiaddress ang body odor ng isang tao in a subtle way.
1) License Approach
Tabihan mo siya at tapikin, sabay tingin sa kilikili niya at sabihing, "May permit to carry ka ba?"
2) New Year Approach
Tingnan mo uli siya sa bandang kilikili, sabay bati ng "Pre, ang aga ata ng preparation mo para sa new year. Adbans happy new year!"
3) Tae Approach
"Ay akala ko nakaapak ako ng tae. Katabi lang pala kita."
4) Parinig Approach
Iwasan mo siya ng tingin sabay sabi ng malakas, "Tanginang utot yan! Sa pores lumalabas."
5) Warrior Approach
"Hulaan ko. Either sundalo ka o fighter no? Amoy pa lang, mandirigma na."
6) Biglang-Gutom Approach
Kuha ng phone at tawagan ang jowa, "Hon, ipagluto mo naman ako ng sinigang pag-uwi ko. Nagcrave ako bigla nung nakaamoy ako ng maasim e."
7) Royalty Approach
"Omaygad! Kilala kita!!! Isa kang royalty na nakilala ko noong nadestino ko Mindanao. Wait. Wait. Datu... Datu Puti, right?"
8) Bagoong Approach
"Uy! Hulaan ko pabango mo. Imported yan no? Ayan yung bago ng Polo Sport... yung may bagoong extract."
9) Bayabas Approach
"Brad. Kelan pa naging deodorant ang bayabas?"
10) Parinig Approach 2.0
Sabihin mo ng malakas, "Hay nako! May isang tao dito na di epektib ang deodorant niya."
Then tapikin mo siya at bulungan ng "Don't worry. Di ikaw ang pinaparinggan ko. Wala ka namang ginamit na deodorant e."
11) Day and Night Approach
"Hi miss! Sorry ha. Nacurious lang kasi ako. Bakit ganun? Gabi na pero amoy araw ka pa rin?
May kasama ako dati sa boarding house na mala-bayabas ang amoy. Naalala ko tuloy.
ReplyDeletenaalala ko ung kaklase ko now hahahahahahaha
ReplyDelete