Three weeks ago, nadukutan ako ng cellphone habang pauwi ng Laguna. Sobrang nalungkot at nanghinayang ako dahil pinaghirapan kong pag-ipunan para mabili ang cellphone na iyon. Bukod sa nasayang na paghihirap, nakakapanghinayang din ang mga memories, messages at pictures (at porn) na naka-save dun. Aaminin ko, hanggang ngayon naiinis at nagagalit pa rin ako sa nandukot ng celphone ko. Pero wala na ko magagawa. Nangyari na e. Kahit na dinukutan nila ko, pinagdadasal ko na lang sila... pinagdadasal kong maaksidente o mapaslang sila sa pinakamasakit at dahan dahan na posibleng paraan habang pinapanood ko silang nagmamakaawa at nauubusan ng hininga. BWAHAHAHAHA!
Siguro ganun na lang naramdaman ko kasi naging emotionally attached ako sa cellphone ko. Masama pala maging masyadong attached sa isang bagay dahil wala naman kasing permanenteng bagay sa mundo. Baka ngayon andyan siya, pero bukas makalawa, nadukot na siya. May kasabihan ngang wag mag-hold on kung ayaw mo mag-lelet go ka rin naman. Kumbaga sa love, mag-move on ka na ng mas maaga kung alam mong mababasted ka lang. Kaya iwasan maging attached. Iwasan ang mga senyales na nagiging emotionally attached sa cellphone mo.
Mga Senyales na Emotionally Attached Ka sa Cellphone Mo:
1. Nauuna pa ang pagseselfie mo kesa sa pagbangon mo sa kama
2. Every ten minutes kang nag-checheck ng updates o notifications sa phone mo
3. Nagkakaroon ka ng Separation Anxiety kapag naiwan mo ang cellphone mo
4. Laging may charger at powerbank sa bag mo
5. Nagkakaroon ka ng mini-heart attack kapag nabasa o nahulog ang cellphone mo
6. Alam mo ang feeling ng namatay kapag nag-empty batt ng cellphone mo
7. Meron kang apps ng: Facebook, Instagram, Twitter, Viber AT WeChat
8. Tuwing nasa restaurant, una mong tinatanong kung merong Wi-Fi kesa sa order mo
9. Nag-iinstagram ka muna bago kumain
10. Mas madalas ka pang mag-charge kesa sa magsipilyo
11. Ginagamit mo ang cellphone mo habang tumatae
12. Naranasan mo nang mabagsakan ng cellphone sa mukha habang nakahiga
12. Hinuhusgahan mo ang mga tao base sa unit ng celphone nila
13. Nag-tetext ka na nga lang, naghahashtag ka pa
14. Na-aarouse ka kapag nagvivibrate ang phone mo
15. Binabasa mo ito gamit ang cellphone mo
12. Naranasan ko rin.
ReplyDeleteNng nawala ang Blackberry ko (16. Ang tawag mo sa cell phone mo kung ano ang tatak nito. Mas malala kung meron ka pang nick name dito.), hindi na ako naka-moveon at hindi ko na pinalitan. Hndi na ako nagmahal pa ng iba at hindi na ako nagcell phone.
HAHA Buti pa ang cellphone. laglag ako sa #11, may gumagawa ba talaga niyan? Hanggang 5 & 8 lang ang nagagawa ko!
ReplyDelete