Pero dumadating din sa buhay natin kung saan masasaktan tayo dahil sa pagmamahal. Mas mahal mo ang isang tao, mas masasaktan ka pag nawala siya sayo. Logic? Wag na lang magmahal para di ka rin masasaktan. Kaso imposible yatang mangyari yun. Ano ka fishbol?
Parang bisyo din kasi ang love love na yan at ang pag-quit sa bisyo ay parang pagmomove-on. Madaling sabihin pero mahirap gawin. Masarap sa pakiramdam kaya sobrang hirap alisin sa sistema. Hindi rin agad agad maaalis ang nakagawian na. May mahabang proseso ang kailangang sundin. Minsan ilang linggo, minsan buwan at minsan taon bago ito tuluyang mawala sa sistema. Minsan pa nga kailangang hanapan ng alternatibo para hindi masyadong mahirap ang pagtanggal nito.
Ang pagmomove-on ay isang mahaba at kumplikadong proseso. Minsan kailangan mo ng mas malawak na pang-unawa, mahabang pasensya at matinding kontrol sa sarili para magawa ito. Para sa inyong kapakanan, ito ang aking steps para sa pagmomove-on:
Step 1. IIYAK MO LANG.
Ito marahil ang pinakamatinding step sa lahat. Kailangang ipunin mo lahat ng galit at lungkot na nararamdaman mo. Kailangan mong ilabas lahat ng negative energy mo bago pumasok ang positive energy. Sa prosesong ito, kailangang maghanda ng maraming tissue at malaking balde ng tubig para salukin lahat ng luha mo. Isipin mo na lahat ng lungkot at sakit na nararamdaman mo at iiyak. Isipin mo ang ka-sweetan niyo, ang away niyo at ang break-up niyo. Minsan mas maganda kung ikaw ang iniwan para mas masakit. Tapos saka mo iiyak na lang ang lahat. Iyak na may kasamang uhog ay mas mainam. Basta saktan mo lang ng saktan hanggang mamanhid at wala ka nang maramdaman. Kapag tapos ka nang umiyak, handa ka na sa Step 2.
Step 2. ALISIN LAHAT NG BAGAY NA MAGPAPAALALA SA KANYA.
Ito marahil ang step kung saan ang maraming nahihirapang gawin kaya sumasablay makapagmove-on. Sa tuwing maaalala mo siya, may tendency na makipagbalikan ka pa sa kanya. Siya ang nakipaghiwalay, tapos ikaw ang makikipagbalikan? Di na uso ang martir sa panahon ngayon... pero ang mga tanga naglipana. Wag nang sumabay pa at baka pati ikaw ay mahawa. Wala pa kayang gamot sa katangahan. Prevention is better than cure na lang.
Kaya ang mga regalo niya sayo ay itapon mo na. Kung di naman ay isanla mo. Pwede mo ring tratuhin itong kayamanan... IBAON ANG MGA YAN SA LUPA! Kung nagkataon namang niregaluhan ka niya ng tuta o aso dahil rich sya e...ASUSENAHIN NA YAN! Joke lang! Ipaampon mo na lang sa iba o kaya ibenta. Mahirap na at baka maging wanted poster boy/girl ka ng PETA.
Alisin na rin sa sistema mo ang mga maliliit na remembrance nyo. Tulad ng love letters niyong puro kalokohan lang at may nakasulat pang "...di kita iiwan" at "I love you forever and ever amen" o kaya ng movie tickets nyo noong naglaplapan lang kayo magdamag sa sinehan noong monthsary niyo. Pati na rin yung remembrance niyong gamit na condom noong bumiglang liko kayo sa isang motel sa Cubao para sagutin ang tawag ng laman. Idispatsa na ang lahat ng iyan. Magiging kalat lang ang mga iyan at basura.
Kung maaari nga e i-delete mo na rin ang number niya sa celphone mo at i-unfriend na siya sa Facebook, Twitter at Friendster. So what kung affected ka kaya ginawa mo yun? Affected ka naman talaga e. Kaya ka nga nag-iiiyak sa Step 1 e. Mabuti na rin ang walang komunikasyon para di mo na siya maaalala at tuluyan ka nang makausad sa Step 3.
Step 3. LIBANGIN ANG SARILI.
Kapag nakalimutan mo na sya, oras na para mahalin at libangin mo naman ang sarili mo. Bago pa man siya dumating, normal lang naman din ang buhay mo. Parang babalik ka lang sa dating ikaw na malaya at masaya. Tsaka karamihan kasi ng nagagawa niyo noon ay kaya mo ring gawin kahit mag-isa. Kung kumakain kayo ng sabay dati, kumakain ka pa rin naman din ngayon. Kung natutulog kayong magkatabi dati, e pwede ka pa rin namang matulog kahit mag-isa ngayon. Kung maya't maya ay nag-sesex kayo noon, uhmmm...well, pwede mo pa rin naman yun gawin kahit mag-isa. Kung merong foursome, threesome at twosome, ikaw ngayon ay handsome. Humahandsome. Meron kang dalawang palad para dun.
Gawin mo ang lahat ng gusto mong gawin dito. Gawin mong abala ang sarili mo para tuluyan ka nang makausad. Maghanap ka ng trabaho, magdrawing ka, kumanta ka, magsulat ka, kumain ka, humandsome ka. Ikaw ang bahala! Sky's the langit!
Step 4. MAGDASAL.
Ngayong abala ka na at di na siya gaanong nararamdaman, kailangang mo namang magdasal. Magdasal ka dahil tinulungan ka ng langit sa iyong problema. Magdasal dahil buhay ka pa. Magdasal dahil sinusuportahan ka pa rin ng pamilya at mga kaibigan mo. Maraming dapat ipagdasal at ipagpasalamat. Kung gusto mo nga e pwede mo na ring ipagdasal na may masamang mangyari sa leche mong ex. Tulad na lang ng maaksidente, matanggal sa trabaho, kaliwain, mabuntis/makabuntis o kaya tumaba. Ikaw bahala kung ano ang gusto mong ipagdasal.
Step 5. MAGPATAWAD.
Siguro naman ay sa puntong ito ay wala ka nang feelings sa kanya. Wala nang saya, lungkot, galit o anuman. Panahon na siguro para patawarin mo siya. Forgive...pero don't forget. Wag kalimutan kung bakit kayo nagkahiwalay para sa susunod na karelasyon mo ay maiwasan nang maulit ang ganitong pangyayari.
Kapag sa Step 5 ay di mo pa rin siya mapatawad, ulitin muli ang Step 1 pababa. Ulit-ulitin hanggang magkaroon ka ng realisasyon na siguro hindi siya ang pinapatawad mo. Siguro dapat sarili mo na ang pinapatawad mo sa katangahang ginagawa mo sa sarili mo. Mababaw na problema lang yan. Lahat ng problema may solusyon. Kapag walang solusyon, wag problemahin. Kaya nga problema e. Pinagdadaanan lang yan. Di yan tinatambayan. Iwasang tumambay. Move on move on lang (M.O.M.O.L.).
![]() |
Move On: Put one foot forward and let the other follow |
Relate much! Lol
ReplyDelete<3 will do this next time. Hahaha.
ReplyDelete