Monday, November 11, 2013

Ang Txtm8 Kong Tiktik

Nahugot mula sa http://www.pinoypantasya.net/printthread.php?tid=233


"Joboy, samahan mo ko sa bahay. Nakakarinig ako ng huni ng tiktik. Natatakot ako. Siguradong may papalapit na aswang," bulong ng buntis sa kanyang selpon sa kalaliman ng gabi.

"Sige. Wag ka mag-alala. Papunta na ko. Naririnig mo pa ba ang huni?" kalmadong tanong ng binatilyo sabay sukbit ng itak pagkatapos ay ihinarurot ang ipinapasadang traysikel papunta sa bahay ng buntis.

"Oo. Malakas ang huni. Natatakot ako sa amin ng magiging anak ko. Bilisan mo," maluha-luhang sagot ng buntis habang nakadikit pa rin ang selpon sa tenga.

"Huwag ka mag-alala. Kapag malakas ang huni ibig sabihin ay malayo pa ang aswang. Papunta na ko sa inyo. Magtext na lang tayo at baka malowbatt ka pa. Mahirap na." pakunswelong sabi ng binatilyo para pakalmahin ang kausap.

"Sige Joboy. Salamat ha. Ingat ka," pag-aalalang sagot ng buntis.

Ilang minuto pa ang lumipas ay humina ng humina ang huni ng tiktik. Kinabahan ang buntis. Halong takot at kaba ang naramdaman kaya napadasal ito.

Biglang umilaw ang selpon sa tabi nya. Narinig siguro ng langit ang dasal niya at dumating na ang kanyang tagapagligtas.

"D2 nA Me s lAhbBasZ ng Pin2 nyoW. Pabukas pow plZ."

Natanggal ang kaba ng buntis at madaling bumaba para pagbuksan ang binatilyo.

"Salamat Joboy at dumating ka! Hulog ka talaga ng langit" sinasabi nya sa binatang nag-aabang sa labas ng pinto habang inaaalis ang mga kandado.

Pagbukas ng pinto, nagulat na lang siya nang makita nya ang kaninang kausap na hubo't hubad, nagniningning sa pawis at nanlilisik ang mata. Biglang bumukas ang bibig nito at lumabas ang napakahabang dila. 

Nawala ang huni ng tiktik.

No comments:

Post a Comment

Get this gadget at facebook popup like box