Saturday, July 5, 2014

Manifesto Ng Simpleng Manyakis



1. Ang Simpleng Manyakis ay choosy. Kailangan maging choosy kung sino ang simpleng mamanyakin at sino ang rerespetuhin.

2. Ang Simpleng Manyakis ay maginoo. Maginoo pero medyo bastos.

3. Ang Simpleng Manyakis ay magaling magtago. Magaling siyang magtago ng kanyang kamanyakan pati na rin ng mga porn sa celphone at PC niya.

4. Ang Simpleng Manyakis ay palaging online. Ito ay dahil meron siyang iniistalk online o kaya nagpoporn. Bagama't palagi siyang online, kailangan lagi siyang naka-invisible para di mahalata ng ibang tao ang kababalaghang ginagawa niya.

5. Ang Simpleng Manyakis ay laging gising. Lalung-lalo na kapag alanganing oras sa madaling araw para alam mo na.

6. Ang Simpleng Manyakis ay magaling mang-hubad. Mang-hubad lamang sa tingin at di sa gawa. Simpleng manyakis ka at di ka rapist.

7. Ang Simpleng Manyakis ay malinaw ang mata. Ito ay upang mapagnasaan niya na sa kalayuan ang kanyang simpleng mamanyakin. Para sa oras na magkalapit na sila, sawa na siya.

8. Ang Simpleng Manyakis ay nakikipagtitingan sa mata. Ito ay upang maipakita na seryoso at honest sya. Pero sa oras na malingat ka, yari ang cleavage mo.

9. Ang Simpleng Manyakis ay magaling manantsa. Kaya niyang malaman agad ang vital statistics ng kanyang simpleng minamanyak sa unang tingin pa lang. (See Eyeball Estimate)

10. Ang Simpleng Manyakis ay madaling nakakasundo ang kapwa Simpleng Manyakis. Lalung-lalo na paraan ng pagpapalitan ng impormasyon, kwento at porn.

2 comments:

Get this gadget at facebook popup like box