Monday, March 24, 2014

Sampung Testamento ng Mabuting Empleyado

Mabuting Empleyado

1. Ang mabuting empleyado ay laging on time. On time mag-lunch, on time mag-break at on time umuwi.

2. Ang mabuting empleyado ay  nagbibigay ng kanyang 100% sa trabaho. 50% sa monday, 25% sa tuesday, 15% sa wednesday, 10% thursday at 5% sa friday.

3. Ang mabuting empleyado ay palaging mukhang busy sa oras ng trabaho para iwas dagdag trabaho o sermon ng boss.

4. Ang mabuting empleyado ay ginagalang ang sagradong araw ng Biyernes. Kaya ang Biyernes ay nakalaan sa barkada at agua de pataranta (alak).

5. Ang mabuting empleyado ay nagpapalibre lagi sa boss. Kung ikaw ay boss, magpalibre sa mas boss.

6. Ang mabuting empleyado ay magaling dumiskarte ng peysbuk sa oras ng trabaho.

7. Ang mabuting empleyado ay mema (memasabi lang). Ugaliing magcomment palagi upang magmukhang matalino lalo na sa mga meeting (para hindi halatang bugok).

8. Ang mabuting empleyado ay laging naghahanap ng malaking suweldo upang may pantustos sa #3.

9. Ang mabuting empleyado ay laging nagrereklamo na maliit ang suweldo.

10. Ang mabuting empleyado ay mabilis gumalaw. Lalung lalo na kapag malelate at mas lalung lalo na kapag uwian na.

No comments:

Post a Comment