Sunday, March 2, 2014

Mango Float

Nainis sakin ang nanay ko. Pagkakain kasi namin kanina ay kinuha ko yung mangga na nakahanda sa mesa. Tinanong niya ko kung ano gagawin ko dun dahil di ko naman kinain.

Sagot ko, "Mango float".

Di na siya umimik kaya tinuloy ko ang paggawa ng 'mango float'. Kumuha ko ng palanggana at pinuno ito ng tubig. Nung puno na ang palanggana e saka ko ihinulog ang mangga. *Plok*

Sabay punta ko sa direksyon ng nanay ko na nakatingin sa ginawa ko. Ang sinabi ko lang, "Ok na. Ayun na yung mango float."


No comments:

Post a Comment

Get this gadget at facebook popup like box