Ang tanga ang pinakaimportanteng role sa barkada dahil sila ang source ng saya at tawanan sa tropa. May minimum na isang bilang ang tanga sa barkada. Pwede rin namang mas marami sa isa. Pwede rin namang lahat. Kapag lahat tanga, lahat masaya.
Hindi biro ang maging tanga. Di ito tulad ng ka-pogian na natututunan. Mas kapareho ito ng ka-gwapuhan na natural at innate sa tao. Kumbaga god-given talent ang pagiging tanga. Meron din namang mga artificial na tanga o mas kilala sa tawag na nagtatanga-tangahan. Pero mas madalas na nakakainis lang ang mga ito kesa sa nakakatuwa. Bukod sa natural na katangahan, kailangan din ng isang tanga ng matinding pasensya at pusong kasintigas ni Basha dahil tiyak na araw-araw kang aalaskahin ng barkada.
Lahat na mawala sa barkada, wag lang ang tanga. Sila kaya ang tunay na puso ng tropa. Kapag walang tanga, malamang sa malamang ay wala ring barkada. Kaya mahalaga ang mga tanga. Pahalagahan ang tanga ng barkada. Mabuhay ang mga TANGA!
Note: Kung hanggang ngayon ay di mo pa rin mahanap ang tanga sa barkada mo, malamang sa malamang ay ikaw yun.
![]() |
Kapag mayroong tanga, masaya ang barkada. Eh lahat kami tanga, lahat kami masaya. |
No comments:
Post a Comment