Tsaka malamig naman talaga ang pasko e. Bakit ka naman maghahangad na mainit na pasko kung init nga lang ng umaga e nirereklamo mo na? Pasalamat nga tayo at nauso ang -ber months kung saan kahit papano e di tayo nauubusan ng taba sa lintek na summer kung saan parang nagiging extension na ng impyerno ang kamaynilaan sa init nito.
Pero para sa makukulit na mga self-proclaimed member ng S.M.P., ito ang ilang solusyon para maibsan ang kalamigan ng inyong pasko.
1.) Magpakulo ng tubig. Kayo na ang bahala kung papano niyo gagamitin ang mainit na tubig. Pwede niyong ipang-kape o ipang-tsaa o pwede ring ipangligo niyo. Kayo bahala. Kanya kanyang trip lang iyan.
2.) Magkumot. Malamig pa naman tuwing gabi. Ugaliing magkumot kapag matutulog. Iwas sipon ka na, iwas lamok ka pa.
3.) Magjacket. Ugaliin ang pagsusuot ng jacket ngayong tag-lamig lalo na kapag lalabas ng bahay para iwas sipon.
4.) Sopas, Mami, at Lugaw. Syempre kailangan din nating painitin ang ating kalamnan. Nariyan ang sopas, mami at lugaw para painitin ang katawan mo. Swak na sa budget, nabusog ka pa!
5.) Mag-exercise. Gumalaw ng gumalaw at tunawin ang taba. Huwag hayaang matulog ang mantika sa katawan.
6.) Mag-yosi. Magsigarilyo para uminit ang pakiramdam. Huwag lamang sobrahan. Government Warning: Cigarette smoking is dangerous to your health.
7.) Uminom. Trip mo na iyon kung saang alak ka hiyang. Gagaan na ang iyong damdamin, iinit pa ang iyong pakiramdam. May kasabihan ngang: Ang alak ay nakakatanggal ng sakit at hinanakit...pati na rin ng damit. (Para sa mga babae: tamang inom lamang. Ang babaeng laging laseng, buntis pagkagising)
![]() |
Pampainit ba kamo? |
Marami pang paraan para magpainit ngayong pasko. Kanya-kanyang diskarte na lang iyan ng pagpapainit. Di mo kailangan ng lablayp para painitin ang iyong malamig na pasko. Tsaka hindi naman "love" ang tunay na diwa ng pasko.
Ang tunay na diwa ng pasko...ay Regalo.
P.S. Ito na lang muna ang pamasko ko sa inyo. Isang magandang pampainit pero hinay hinay lang ha. Malayo pa ang bagong taon kaya iwasan muna ang magpaputok habang tinititigan mo ito.
*slow clap* ;)
ReplyDelete