Tuesday, May 10, 2016

Change is Coming

In Tagalog,

"Sukli ho!"


Tuesday, December 8, 2015

Bakit Ka Ayaw Paupuin ng Lalake sa MRT?


1. Hindi Ka Niya Priority
Buntis at disabled lang ang priority bigyan ng upuan sa MRT at hindi ang maarte at nagmamaganda.


2. Masyadong Mataas and Expectations Mo
Nag-MRT ka e. Wag ka mag-expect na makaupo ka. Pasalamat ka na lang na nakasakay ka.


3. Hindi Ka Ganun Ka-Special
Sa dami ng nakasakay sa MRT, wag isipin na mapapansin ka niya. Hindi sa'yo umiikot ang mundo niya.


4. Hindi Ka Nagtanong
Alangan naman ibigay sa'yo ang isang bagay na hindi mo hinihingi. Baka naman puro ka lang papansin at parinig, see #3.


5. Mas Matindi Pinagdadaanan Niya Sa'yo
Hindi mo alam kung ano pinagdadaanan niya. Malay mo mas pagod sya sa'yo. Malay mo nabalian sya habang naglalakad pasakay MRT. Malay mo najejebs sya. Gustuhin niya man paupuin ka, hindi na kakayanin ng katawan niya.


6. Tulog Siya
Malamang di ka nga niya mapapansin kung tulog siya.


7. Di Ka Nag-Aappear sa Radar Niya
Bakit? Crush o syota ka ba niya?


8. Wala Siyang Pake sa Feelings Mo
Wag na ipagsiksikan sarili mo sa kanya. Masasaktan ka lang.


9. Mas Mukha Ka Pang Lalake Kesa sa Kanya

Tuesday, October 13, 2015

Mga Political Platforms Para sa Halalan 2016

1) Para masolusyunan and kakulangan sa bigas, malupit na ipagbabawal ang pag-eextra rice kung overweight.


2) Malupit na ipagbabawal ang pagdodouble park lalo na kung wala kang sasakyan.




3) Mahigpit na pagtitibayin pa lalo ang human rights. Ang di sumunod, papaslangin nang walang kalaban-laban.

4) Ang sinumang gumawa ng kahayupan sa ibang tao ay hindi na maipagtatanggol ng Commission on Human Rights... PETA pwede pa.

5) Malupit na ipagbabawal ang paglagay ng letrang "H" sa mga pangalan na hindi ito dapat kalagyan tulad ng Pedroh, Jhaymes, Joseh, Bhogart at Micoh.




6) Para maiwasan ang trapik tuwing holiday, malupit na pagbabawalan mag-mall ang mga estudyante.

7) Para mabawasan ang kaso ng maagang pagbubuntis, lalagyan ng age requirement ang pagmamahal. Ibabalik na rin ang anime sa mga TV stations tuwing hapon.




8) Para sa transparency, ipagbabawal na ang Metrosexual sa Maynila. Ano yun? Isang metro na lang at tapos na ang pagkalalake? Mabuti na ang malinaw.

9) Para sa sanitation, malupit na ipatutupad ang urinal etiquette o tamang paggamit ng urinal. Kung di maiwasan ang pagtingin sa kargada ng katabi, iwasan magkumpara.



10) Si Yaya Dub ang gagawing official spokesperson.


11) Para matigil ang kontrobersya ng pambubugaw kay Pastillas Girl, uusigin na lamang ang ABS-CBN na idaan sa fixed marriage ang lahat.




Thursday, February 26, 2015

Mga Palatandaan na Sikat Ka Na



1) Nagtitinginan ang mga tao kapag nandyan ka.

Note: Pwede ring nacurious sila kung bakit wala ka sa zoo ikaw na animal ka!

2) Nagtitilian ang mga babae kapag nakikita ka.

Note: Kaso sigaw nila, "WAAAAA! Manyakis!!!"

3) Kinikilig ang mga taong natatabihan mo.

Note: Nginig tawag dun pre. Natatakot silang ma-isnatch gamit nila tapos saksakin mo pa.

4) Maraming Likes ang mga pics at status mo sa Facebook.

Note: Aminin mo. Ikaw din yung 500+ na nakalike na yun.

5) Nahahaselan kang pumunta sa matataong lugar.

Note: Takot mo lang na makilala ka at magulpi ng taong bayan.

6) Gusto mo palagi sa mamahaling mga lugar.

Note: Alam mong mayayaman ang mga tao dun. Tiba-tiba ka sigurado sa makukulimbat mong gamit.

7) Laging nababanggit pangalan mo.

Note: Lalo na sa news. Either suspek sa isang krimen o wag daw tularan.

8) Naglipana ang pictures mo sa Facebook at sa kung saan-saang lugar.

Note: Wanted Posters

9) May mga pulis na nakaescort sa mga lugar na pinupuntahan mo.

Note: Wanted ka nga e. Minamanmanan nila kilos mo. Kung ako sayo, magtago ka na!

Saturday, February 21, 2015

Mga Senyales na Masyado Kang Busy

Nahugot mula sa Someecards.

1) Kapag may lakad ang barkada niyo, iniimbitahan ka nila ONE YEAR before.

2) Naalala mong ninong ka pala sa binyag ng anak ng kaibigan mo nung makita mo ang pics ng debut niya.

3) Mas marami pa ang gamit mo sa opisina kesa sa bahay.

4) Masuwerte na ang Facebook friends mo kapag na-seenzoned mo sila.

5) Anlalaki ng mga masels mo. Kaso sa ilalalim ng mata. Tinalo mo pa ang panda sa laki ng eyebags mo. Tulog tulog din pag may time.

6) Lunchbreak, coffeebreak at yosibreak na lang ang depinisyon mo ng bakasyon.

7) Mas matagal pa ang shift mo kesa sa shift ng sikyu ng opisina niyo.

8) Namimiss mo nang kiligin nang tunay. Tuwing umiihi ka na lang kinikilig.

9) Kapag umuuwi ka sa inyo, madalas kang napagkakamalang nanloloob ng bahay.

10) Kapag nagpopost ka ng picture, automatic #TBT agad yun.

11) Pinagdadasal ng mga kaibigan mo na sana mamatay ka na. Bakasakaling magparamdam ka na sa kanila kapag multo ka na.

12) Nalalaman ng barkada mo ang kahulugan ng "PATIENCE", lalo na kapag sinusubukan ka nilang kontakin.

13) Nauulol ang mga kaopisina mo kapag di ka pumasok.
Get this gadget at facebook popup like box