Monday, June 30, 2014

Mga Senyales Na Wala Ka Nang Pera


1. NA-AAPPRECIATE MO ANG SIMPLE THINGS IN LIFE.
Nagsisimula mo nang mapansin ang kahalagahan ng maliliit na bagay tulad ng mga de lata, instant noodles, at tira-tirang barya.

2. NANININGIL KA NG UTANG.
Hinahanap mo ang lahat ng nagkautang sayo kahit pa mula ng pagkabata mo para singilin ng perang pwede mong magamit.

3. NAHAHANAP MO ANG MGA TUNAY MONG KAIBIGAN.
Lalung-lalo na silang kayang maglabas ng pera mapautang ka lang.

4. LUMALABAS ANG PAGKA-RESOURCEFUL MO.
Natututo kang pahabain at pagsagad ng mga bagay na nakokonsumo mo.

Eksampol:

  • Para makatipid sa shampoo, ginagawa mo na rin itong sabon.
  • Para makatipid sa tubig, inaantay mo na lang umulan. Mas madalas ka nang mag-birthday kesa sa maligo.
  • Para makatipid sa tissue, hinuhugasan mo uli ito para mapakinabangan uli.

5. VALUE MEALS.
Nakakagawa ka ng sarili mong value meals sa halagang bente pesos pababa.

Eksampol: 
  • Kanin + fishbol
  • Kanin + toyo, suka at patis galing karinderya
  • Kanin + KFC gravy
  • Kanin + luha

6. NAPAPASIMBA KA.
Free lunch sa communion.

7. NAGLILINIS KA NG BAHAY.
Nililinis mo ang iyong tirahan at umaasang may mahanap na nakasiksik na barya.

8. NAAALALA MO ANG MAGULANG MO.
Nagmamadali kang umuwi sa iyong mga magulang dahil sigurado kang libre lahat sa bahay ng magulang mo.

9. ISA KANG ESTUDYANTE SA KOLEHIYO.
Aminin mo. Noong nasa kolehiyo ka, normal na sa iyo ang walang pera.

Thursday, June 26, 2014

Tunay Na Kahulugan Ng Iyong Trabaho



Sa totoo lang, mahirap talaga maghanap ng trabaho lalung-lalo na kung di mo talaga alam kung ano ang gusto mong gawin sa buhay. Pero mas mahirap kung alam mo na ang gusto mong gawin, kaso iba naman pala ang trabaho mo. Ito ang ilan sa mga karaniwang "tunay" na kahulugan ng job description mo:

1. Must Have A Pleasing Personality
Bawal ang panget dito

2. Customer-Oriented
Demonyo ang mga customers namin. Ikaw muna ang sumalo ng lahat ng galit nila.

3. Fast-Paced Environment
Walang training training. Magsimula ka na. Now na! Oo nga pala, next week na tapos ng kontrata mo.

4. Casual Working Atmosphere
Wala kaming perang panggawa ng uniform niyo!

5. Self-Starter
Bahala ka sa buhay mo!

6. Strong Multitasking Skills
Tatrabahuhin mo yung trabaho nung tatlong nagresign last week.

7. Dedicated Team Player
Bawal kang humindi sa iuutos ko sayo. mwehehe

8. Amenable for Overtime
Sa 22 oras na trinabaho mo, 8 oras lang ang babayaran namin sayo.

9. Career-Oriented
Wala kang social life. Opisina lang ang buhay mo. Walang break break. Ihi lang pahinga mo.
Oh yeah, bawal ka rin magresign.

10. Highly Competitive
Ang matirang buhay at the end of the month lang ang susweldo.

11. Can Work Well Under Pressure
Araw-araw ka naming gigisahin sa sarili mong mantika.

12. Flexible
Wala ka talagang permanenteng trabaho. Baka bukas makalawa, pagtimplahin kita ng kape at paglinisin ng inidoro.

Bakit Di Ka Nirereplyan Ng Crush Mo?


Aminin mo, isa sa pinakamasarap na feeling sa mundo ay ang makatanggap ka ng text sa crush mo. Ansarap lang sa pakiramdam na kilala ka niya at naaalala ka niya. Second worst feeling naman sa mundo ay ang malaman mong ang text niyang yun ay wrong send o kaya group message lang pala. Pero di bale, dedma na lang yun at paniniwalaan mo na lang ang sarili mo na sadya niya lang yun. At dahil dun madali mong papatulan at rereplyan ang text niya. Dito na papasok ang ultimate at first worst feeling sa mundo... ang di ka niya rereplyan.

Hasel di ba? Parang pinaglaruan lang ang feelings mo tapos bigla kang iiwan sa ere. Feeling mo, pinaasa ka lang niya. Pero feeling mo lang iyon. Hindi porke't di siya nag-reply, wala na siyang pakialam sayo. Well, pwedeng meron o pwedeng wala. Wag mo muna i-assume na wala dahil ito ang mga karaniwang dahilan kung bakit di ka nirereplyan ng crush mo:

1. WALA SIYANG LOAD.
Load ang pinakamadalas na problema ng di pagrereply sa mga text. Subukan mong pasahan siya ng piso sa tuwing magtetext ka sa kanya para ma-obliga siyang magreply sayo. Iwasan mong pa-loadan siya dahil di niya alam kung sino talaga ang nagpa-load sa kanya. Sige ka, baka iba pa ang umako ng pagpapa-load sa kanya at masulutan ka pa.

2. NANAKAW ANG SELPON NIYA.
Well, di naman talaga siya makakareply kung wala siyang selpon. Kunsensya mo na lang na baka nung nagtext ka at binasa niya ang text mo e nasaktuhan namang ma-snatch selpon niya dahil nakalabas. Para di ka bagabagin ng iyong kunsensya, regaluhan mo na lang siya ng bagong selpon as soon na malaman mong nanakawan siya.

3. NAKALIMUTAN NIYANG MAGREPLY.
Madalas itong nangyayari lalo na kung inaantok na ang tinext mo. Intindihin mo na lang na di ka niya iniitsipwera, kinapos lang siya memory sa utak kaya di siya nakareply.

4. BUSY SIYA.
Kapag busy ang isang tao, madalas kinakalimutan niya muna ang ibang gawain upang makapag-focus sa kanyang ginagawa. Baka busy lang siya sa kanyang trabaho, asayment o baka lang busy siya kasi may nilalandi na siya.

5. NOBELA ANG TEXT MO.
Ito ang iiwasan mong gawin. Ang mag-text ng pagkahaba-haba na para bang katapusan na ng mundo ang text mo. Sa haba ng text mo, most probably ay makatulog lang siya at di ka na ma-replyan. Pwede ring nagkataon na mahaba ang text mo tapos slow reader pa siya. Medyo antay ka na lang ng ilang linggo sa reply niya.

6. BORING KANG KAUSAP.
Nako! Kapag boring kang kausap, di ka talaga rereplyan nun. Sinasayang mo lang ang oras niya sa mga walang kwentang text na tulad ng "Hello po!", "Musta na?" at "Kumain na ba u?". Minsan bigyan mo siya ng mga tanong na tipong mapapaisip siya tulad ng "Ano ang naging sakit ng cured ham?", "Sino ang pumatay sa Dead Sea?" at "Anong pagkain si Grimace?". Surebol mapapaisip siya sa mga yun at di ka na magmumukhang boring sa mata nya.

7. DI KA NIYA TYPE.
Wag ka na umasa kapag ganito. Move on na agad.

8. LANDLINE ANG GAMIT MO.

Monday, June 23, 2014

7 Techniques Sa Pagpapapayat

Gawin lang ang mga tekniks dito at siguradong papayat ka!


1. DISIPLINA
Ito ang pinakamahalagang elemento ng pagpapapayat. Kung wala ito, siguradong walang kwenta ang effort na gagawin mo upang mabawasan ng timbang. Madali lang ang prosesong ito. Kailangan mo lang umiwas sa mga bagay na magpapataba sayo. Ugaliing iwasan ang mga salamin, timbangan, at mga litrato dahil siguradong mataba ka sa mga ito. Subukan mo rin iwasan ang mga tao dahil mapupuna nila ang laki mo. Either gabi ka na lang lumabas ng bahay kung saan tulog na sila at di na nila mapapansin ang katawan mo o kaya ay wag ka na lang talaga lumabas ng bahay. The less people know, the better.

Nakakataba talaga ang salamin lalo na kung titingnan mo ang sarili mo.


2. WATER THERAPY
Sa paraang ito, babalik tayo sa basics na pag-inom ng at least walong basong tubig kada araw at sigurado ang iyong pagpayat sa mga suunod na araw basta ba sasamahan mo ito ng regular na pag-eehersisyo. Pero kung gusto mong mas epektibo, try mo rin ang tubig imburnal. Sa dami ba naman ng dumi na maiinom mo, siguradong pati kaluluwa mo itatae mo. Ma-ospital ka man, payat ka naman.


Tubig Imburnal: Masakit sa tiyan, payat ka naman.


3. SOCIOLOGICAL APPROACH
Sa paraan na ito, di mo kailangan ang magbawas ng kinakain. Ang mahalaga, siguraduhin mo lang na mas marami ang kinakain ng mga kasama mo kesa sayo. Patabain mo lang ng patabain ang mga tao sa paligid mo dahil kung mas mataba sila kesa sayo, siguradong payat kang tingnan kumpara sa kanila.

Nakita niyo na ang punto ko?

4. AMPUTATION
Isa sa pinakamadaling approach sa pagbabawas ng timbang. Pero di dahil madali ito ay ibig sabihin ay di ito masakit. Kailangan mo lamang magpaputol ng isang parte ng katawan mo saka ka magtimbang uli. Mas epektib ang method na ito kapag binti ang pinaputol mo. Pero pinakaepektib kapag dalawang binti at dalawang braso ang pinaputol. Try mo tapos magtimbang ka.



5. NUDING DIET
Sa paraan na ito, kailangan mo lamang maghubad at humarap sa salamin sa tuwing kumakain ka. Mas nagiging conscious daw kasi ang isang tao sa katawan at pagkain niya kapag nakikita ang epekto nito. Mas epektibo gawin ang pagkain ng nakahubad sa harap ng salamin kung ikaw ay nasa pampublikong lugar. Di ka lang papayat dahil sa pagiging conscious mo sa epekto ng pagkain sa katawan mo, papayat ka dahil sa kahihiyan.

6. SLEEPING DIET
Madali lang isagawa ng diet na ito. Sa tuwing magugutom ka, uminom ka lamang ng sleeping pills. Mahirap kumain kapag tulog.

7. COMATOSE DIET
Teknik sa pagpapapayat just in case di epektibo ang sleeping diet sayo. Medyo mahirap lang siya kasi kailangan mo muna maghanap ng sakuna o kaya maghamon ng away sa mga sigang lasing sa lugar niyo. Kapag nasigurado mo nang malilintikan ka, siguraduhin mong medyo grabe ang pinsala sayo hanggang ma-comatose ka sa ospital. Kapag na-comatose ka na, surebol na pagpayat mo lalo na kung ma-comatose ka ng ilang taon. Siguraduhin mo lamang na ang mga mahal mo sa buhay ay di magpapasyang i-euthanasia ka habang natutulog ka.

Saturday, June 21, 2014

9 Signs Na Matagal Ka Nang Single

1. MADALI KANG MAINLAB SA KAHIT SINONG MAGING MABAIT SAYO.
Kapag matagal-tagal ka nang nabakante, lumalabo na ang boundary ng kabaitan sa romansa. Nagiging assuming ka at namimisinterpret ang kabaitan ng isang tao bilang da-mubs nya sayo. Tigilan ang pagiging assuming dahil malay mo na inborn na mabait lang siya o kaya hayop ang tingin niya sayo (be kind to animals daw kasi).

MGA TAONG IWASANG MA-MISINTERPRET ANG KABAITAN: Pari, social worker, at pulitiko

Iwasan mainlab sa mga pulitiko. LIkas na mabait lamang sila lalo na kung may media.

2. GUSTO MONG SILABAN NG BUHAY ANG MGA NAKIKITA MONG MAGSYOTANG NAGPI-PDA.
Madali kang mairita kapag nakakakita ka ng couples na masyadong sweet sa daan. Naiinis ka kasi deep inside ay naiinggit ka sa ka-sweetan nila. Para sayo, dalawa na lang ang lasa ng buhay mo: pait ng pagkabigo at alat ng luha.

Sa loob-loob mo, sana ikaw na lang yung lalake...pwede rin yung babae.


3. FAST FOOD DELIVERIES ANG MADALAS MONG KAUSAP SA PHONE.

Since wala kang special someone para tawag-tawagan, nagpapadeliver ka na lang ng pagkain para sumaya.

4. LAGI KANG ONLINE.

Dahil iwas ka na sa social life, sa social media ka na lang magiging aktibo. Lahat ng ng social media platforms meron kang account. Ultimong kahit LinkedIn pinatos mo pa.

5. MADALAS KANG MAG-DRAMA SA PAGIGING SINGLE MO.
Madalas mong nilalabas ang sama mo ng loob sa pagiging single mo. Pero dahil wala ka namang kaibigan, madalas mong nilalabas na lang ito sa Twitter o Facebook. Papansin lang.

6. KABISADO MO NA ANG MGA PANGALAN AT ITSURA NG MGA PORNSTARS.
Dahil bente kwatrong oras kang online, hindi maiiwasan ang madalas mong pagbisita sa mga kung anu-anong websites. Sa sobrang dalas, kabisado mo na ang mga info tungkol sa bawat pornstar na para bang kapitbahay at kababata mo lang sila.

PAYONG KAIBIGAN: Para sa iyong proteksyon at kaligtasan, ugaliing mag-delete ng 'cookies' at 'browser history' pagkatapos mong magparaos.

Kung makilala mo ito, surebol na madalas ka sa mga porn sites.

7. MAKAPAL NA ANG MGA KALYO SA IYONG PALAD.
Dahil bente-kwatro oras kang online at madalas bumibisita sa mga website na di pambata, malamang sinasagad mo ang pagpanay-panay mo. Ingat lang. Nakakabulag iyan.

PAYONG KAIBIGAN: Subukan gumamit ng hand moisturizer o lotion sa iyong kamay pagkatapos mong mag-alam mo na. Well, pwede mo ring gamitin yun habang ginagawa yun for added satisfaction.

Ugaliing magpasalit-salit ng kamay kapag ginagawa ang iyong hobby dahil hasel tingnan kapag di ito pantay.
8. PINAPATULAN MO NA ANG MGA ONLINE DATING SITES.
Medyo nagiging desperado ka na.

9. NAGHAHANAP KA NG LABLAYP SA SULIT.
Grabe na ang pagkadesperado mo.

Hanap. Usap. Deal.

Friday, June 20, 2014

14 Sintomas Na Tumataba Ka



1. NAMIMISS MO NA ANG CHEEKBONES, COLLARBONE, PANGA AT PAA MO. PARA SA MGA LALAKE, PATI ETITS MO MISS MO NA RIN.



2. NAGSASTRIKE ANG MGA JEEPNEY DRAYBER KAPAG SUMASAKAY KA.



3. DALAWANG KLASE LANG ANG MGA DAMIT MO: DI NA KASYA AT BODY FIT.



4. KAPAG KUMAKAIN KA SA RESTAURANT, GROUP DISCOUNTS ANG INAALOK SAYO.



5. LAGI KANG TAYA SA LARONG TAGUAN.



6. WALA NANG PANAMA ANG RICE TERRACES OF THE PHILIPPINES SA BILBIL MO.



7. MAY SARILI KA NANG PABRIKA NG MANTIKA.



8. MAY SARILI KA NANG TIME ZONE.



9. MAY SARILI KA NANG GRAVITY.



10. PINAGBABAWALAN KA NG MGA LIFEGUARD LUMUSONG SA POOL. BAKA MAGKA-TSUNAMI.



11. KAPAG NAGTITIMBANG KA, "TO BE CONTINUED" O KAYA "ITUTULOY" ANG LUMALABAS SA WEIGHING SCALE.



12. NAGKAKA-CRAMPS KA TUWING NAGMAMARATHON... MOVIE MARATHON.



13. AYAW KA NANG DAPUAN NG LAMOK. NAGKAKA-HIGH BLOOD SILA SAYO.



14. MAIINIS KA AT HAHIGH BLOOD-IN SA ARTICLE NA TO.

Wednesday, June 18, 2014

Mga Senyales Na Panget Ka

Nasa pagdadala lang iyan

1. IKAW ANG LAGING TAGAKUHA NG PIKTYUR SA BARKADA PICS NYO...


2. ...KUNG MAY PIKTYUR KA MAN, LAGI NAMANG WACKY.


3. DI KA NIREREPLYAN NG CRUSH MO...



4. ...KAHIT MOBILE NETWORK MO AY DI RIN NAGREREPLY SAYO.



5. KAPAG MAY NAGTANONG SA MGA KAKILALA MO KUNG MAGANDA/GWAPO KA, ANG SAGOT NILA AY "MABAIT".



6. MAGULANG MO LANG ANG NAGSASABI SAYONG MAGANDA/GWAPO KA.



7. KAPAG MAY SANGGOL NA NAPAPATINGIN SAYO, TUMITIGIL ITO SA PAG-NGITI O PAGTAWA AT EITHER MAPAPATITIG NA LANG NG MATAGAL SAYO O KAYA BIGLANG IIYAK.



8. MADALAS KANG SUSPEK SA MGA KRIMEN SA INYONG LUGAR



9. AYAW KANG SUNDAN NG SARILI MONG ANINO



10. AYAW KANG HARAPIN NG SARILI MONG REPLEKSYON SA SALAMIN...



11. ...O KAYA PAG NAGHUBAD KA SA HARAPAN NG SALAMIN AY EITHER MURAHIN KA O KAYA AY SUKAHAN KA NG SARILI MONG REPLEKSYON.



12. MAHILIG KANG TRUMOPA SA MAGAGANDA... BAKA SAKALING MAHAWA KA.



13. HALLOWEEN ANG PABORITO MONG OKASYON.



14. KAPAG TUMULO ANG PAWIS GALING SA IYONG NOO, DUMIDIRETSO ITO SA IYONG LIKOD AT BATOK MAIWASAN LANG ANG IYONG MUKHA.



15. LAGI KANG KINUKUHANG MODEL NG MGA BEAUTY PRODUCTS. IKAW ANG MODEL NG 'BEFORE' SA BEFORE AND AFTER POSTERS NILA.



16. MATATAMAAN AT MAPIPIKON KA SA ARTICLE NA ITO DAHIL TRUTH HURTS.

Monday, June 16, 2014

Mga Masamang Ideya Na Pamalit Sa Condom

Dito sa Sikan Tots, naniniwala kami (Pweh! Marami kami sa isipan ko.) na mahalaga ang safe sex. Ito ay upang maiwasan ang malupit na paglaganap ng STD. Bukod sa pagsugpo sa pagkalat ng sakit na ito, maiiwasan din natin ang mga unwanted pregnancy na uso sa mga kabataan ngayon. Upang maitaguyod ang safe sex, ugaliin po natin ang paggamit ng contraceptives lalung-lalo na ang condom.

Kung wala kang dalang proteksyon, wag ka na lang sumugal. Either i-RSJ mo na lang yan o wag na lang. Wag paganahin ang pagiging resourceful dito dahil walang substitute sa condom. Pwedeng masaktan ka, ang partner mo o kayong dalawa kapag pinagana mo pa ang kakulitan mo. Ika nga ng idolo nating si John Lloyd, "no glove, no love".



Ito ang mga bagay na HUWAG NA HUWAG mong i-susubstitute sa condom:

1. PLASTIC NG ICE CANDY



2. TEST TUBE




3. ISAW




4. MEDYAS




5. PANYO




6. ZIPLOCK




7. MAGIC SHELL CHOCOLATE




8. LATEX BALLOON




9. PLASTIC BALLOON




10. LAMINATION








Sunday, June 15, 2014

Mga Pickup Lines na Pamatay... o Maari Mong Ikamatay

Pedicab ka ba? Pedicabang maging akin?


1. "Ikaw yung nambato no?"
"Tinamaan kasi ako sayo."

2. "Floor wax ka ba?"
"Mahal kasi kita... ay shet! Nadulas ako!"

3. "May first aid kit ka ba diyan?"
"Nabalian kasi ako nung nahulog ako sayo."

4. "Magkamag-anak ba ang magulang mo?"
"Special ka kasi."

5. "Manhole ka ba?"
"Tanga lang kasi ang nahuhulog sayo."

6. "Energy drink ka ba?"
"Mukha ka kasing cobra."

7. "Colgate ka ba?"
"Di ka kasi maganda sa Close Up."

8. "Shades ka ba?"
"Nagdidilim kasi paningin ko sayo."

9. "Ice cream ka ba?"
"Rocky road kasi mukha mo."

10. "Baril ka ba?"
"Anlakas kasi ng putok mo."

11. "Di ka ba nasaktan?"
"Para ka kasing anghel na hulog ng langit... una nga lang ang mukha."

12. "Lasing na yata ako."
"Gumaganda ka na kasi."

13. "Tao ka ba?"
"Naninigurado lang."

14. "Panadero ka ba?"
"Ansarap kasi ng monay mo."

15. "Steady ka lang ba?"
"Balak sana kitang galawin."

16. "Di ka ba giniginaw?"
"Kanina ka pa kasi hubo't hubad sa isipan ko."

17. "Kapirasong bukid ka ba?"
"Ansarap mo kasing biyakin, araruhin at binhian."

18. "May ipagtatapat ako sayo."
"Ayan ok na. Nakatapat na."

19. "Pssst... magkano?"


Model: Angelo Labbao

Saturday, June 14, 2014

Mga Senyales Na Hindi Boy Ang Boypren Mo

1. PURO LALAKE LANG ANG KAIBIGAN NIYA
Bukod sayo at mga kamag-anak niya, bilang lang ang mga kaibigan niyang babae. Lalake marami, pero babae onti.

Exemption to the rule: isa siyang andrologist o kaya preso na may mahaba-habang sentensya


Chicser? Oh c'mon!

2. HINDI NIYA KILALA SILA BRUCE WAYNE, DARTH VADER AT CHUCK NORRIS
Ang tatlong iyan ay tatlo sa pinaka-icon ng pagiging lalake. Kung di niya kilala ang mga ito, medyo mag-isip isip ka na.

Exemption to the rule: isa siyang alien, time traveler galing sa past na nabuhay before kay Chuck Norris o siya si Bruce Lee

Kung ito ang boypren mo, wag ka na magduda sa pagiging lalake niya
3. LAGING ON DIET
Hindi masama ang pagdidiyeta. Pero kung mukhang ginagawang hobby na ng boypren mo ang pagdidyeta, hindi kaya may sasalihan siyang rampa?

Exemption to the rule: 6 inches lang ang bituka nya

4. MAS MADALAS PA MAG-SELFIE KESA SAYO
Kapag ang 3 selfie mo per day ay katumbas ng 3 album ng selfie nya per day, di kaya mas maganda pa siya kesa sayo?

Exemption to the rule: model o guinea pig siya ng isang skin company kung saan kailangan i-document nya per hour ang epekto ng ininom nyang experimental na gamot

Ang tunay na lalake ay di nagseselfie

5. MATAGAL MALIGO
Ang lalake mabilisan kung maligo. Parang ligong pato ba. Maliligo ka, madudumihan ka rin naman. Ano logic nun?

Dahil ang mga lalake ay nagmumultitask kapag naliligo

6. LAGING NASA GYM
Okay lang sa lalake ang pag-gi-gym. Di naman masama yun bagkus ay healthy yun. Pero kung ang boypren mo ay mas madalas sa gym kesa sa kumain sa isang araw, baka naman ibang pang-iispot na ginagawa niya dun.

Exemption to the rule: isa siyang gym instructor

Whatever makes you sleep tight at night bro

7. MAY ABS
Ito ay bilang pagsunod sa #5 sa Manifesto ng Tunay Na Lalake na ang tunay na lalake ay walang abs. Kung bakit? Hayaan niyong si Lourd na ang magpaliwanag dito.

Exemption to the rule: isang anime ang boypren mo

Ito lang ang katanggap-tanggap na abs

8. LAGING AHIT
Likas sa lalake ang pagiging balbon kaya hindi natural sa lalake ang pag-aahit sa binti, dibdib, kilikili at lalung-lalo na ng kilay.

Exemption to the rule: isa kang wrestler

Ang tanging katanggap-tanggap na pag-aahit sa lalake

9. GALIT SA BAKLA
Seryoso. Ang mga lalakeng galit daw sa bakla, mas madalas na bakla rin. Kung homophobic ang boypren mo, gudlak!

10. MAHILIG SA BASKETBOL
Kung ang boypren mo ay mahilig manood ng basketbol hindi dahil sa laro kundi sa mga players nito, hindi kaya mas trip niya pang maging cheerleader?

Hindi kaya ganito ang mga game highlights na inaabangan ng boypren mo?

11. MAGKAIBA ANG KULAY NG MUKHA SA LEEG
Simulan mo na magduda kapag ang mukha ng boypren mo ay either nasobrahan ng foundation o kaya bumangga sa isang truck ng espasol. Ang tunay na lalake ay di nagmamakeup.

Exemption to the rule: isa siyang clown

Katanggap-tanggap na rason ng pag-mamakeup ng isang lalake









Thursday, June 12, 2014

Paano Ipamukha Sa Mga Tao Ang Iyong Pag-Gi-Gym?

1. MAGSUOT NG MGA BODY FIT NA DAMIT
Laging isaalang-alang sa pagpili at pagbili ng damit na dapat at least 2 sizes smaller ang iyong gagamitin. Pinakamaliit na size, mas maganda. Yung sa sobrang liit ay para bang sumisigaw ang iyong mga maskels ng "HOY! TINGNAN NIYO KO! NAG-GI-GYM AKO!!!"


Ang damit na mas masikip, mas ok upang ma-emphasize ang dibdib at abs
Di lang dibdib at abs, dapat may kasamang angas din para mas macho tingnan

2. MAG-FLEX
Hangga't may pagkakataon kang i-flex ang iyong maskels, gawin mo. Bukod sa lantaran mong pagpapakita ng malahita mong braso, isa rin itong ehersisyo upang mas lumaki ang maskels mo. Flex lang ng flex pag may time.

Kahit sa inuman, wag na wag kalimutan ang pagfe-flex

3. PAGMASDAN ANG SARILI SA SALAMIN
Kapag napapadaan sa harap ng salamin o anumang reflective na bagay, ugaliing huminto at maglaan ng ilang segundo upang pagmasdan ang maganda mong katawan. Don't forget #2, FLEX!

Mas okay kung pipiktyuran mo pa ang iyong sarili para may remembrance ka para mamaya

4. MAG-SLEEVELESS
Magsuot ng sando o kaya ng kahit anong sleeveless na damit upang ma-emphasize ang batu-bato mong biceps at triceps. Mas epektibo ito kung nakasando ka na, body fit pa! Di lang braso maipamumukha mo sa tao, pati na rin ang dibdib at mala-pandesal mong abs.

Pagmasdan kung gaano kamacho tingnan kapag naka-sando

Pero mas machong tingnan kapag sagad ang pagka-sleeveless niyo

5. IPAKITANG CONSCIOUS KA SA KINAKAIN
Laging magbaon ng calculator o kaya naman ay papel at panulat para maipakita sa mga kasama mo na nag-cocompute ka ng calories na makokonsumo mo sa kakaining pagkain. Iwasan ang mental computation dahil bukod sa mukha kang siraulong nakatulala sa pagkain, masisira ang purpose ng pagpapamukha mo sa mga tao na nag-gi-gym ka.

6. GYM SELFIES
Syempre may kasabihan tayong "to see is to believe" kaya nararapat lang na mag-upload ka ng mga piktyur mo habang nag-gi-gym ka. The more, the many-er. Mas mainam kung magpopost ka ng gym selfies mo araw-araw.

Isang necessity na ang pagdala ng phone sa gym para sa mga gym selfies

7. GYM STATUS, TWEETS AT CHECK-INS
Bilang pagsuporta sa #6, kailangan mo ring mag-facebook status o kaya mag-tweet na mag-gigym ka. Pwede ring mag-post ka ng mga quotes tungkol sa fitness at motivation. Basta wag mong kakalimutan ang paggamit ng mga hashtags tulad ng #GymRat, #GetFit, #Macho, #Gym at #Diet dahil baka malito lang ang mga tao. Matuto ring gamitin ang location function ng facebook at check in ng foursquare para mas makumbinsi ang mga tao kung asan ka talaga.

Kaya kailangan talaga ang mga gym posts
8. PUNAHIN ANG KATAWAN NG IBA
Ito marahil ang ultimate way para maipamukha mo sa mga tao ang pag-gi-gym mo in 3 easy steps:

     STEP 1. Pansinin ang mga mali sa katawan ng iyong target.
     STEP 2. Kausapin siya at punahin ang kanyang katabaan o kapayatan.
                    Ex. "Uy Mars! Alam mo di ka naman pala mukhang buntis e. Tumaba oo pero di naman                         buntis."
     STEP 3. Sabay bawi sa pamamagitan ng pag-imbita sa kanya sa gym.
                   Ex. "Pero madali lang masolusyunan ang kajubaan mong yan. Gym lang katapat niyan.                           Sabayan mo kaya ako mamaya sa (insert name of gym here). Let's fight those fats!"

NOTE: Pwede kang magulpi dito lalung-lalo na kapag babae ang sinabihan mo ng "mata*a" tapos kabuwanan niya pa. Pero okay lang kahit magulpi ka, nag-gi-gym ka naman e.




PHOTO CREDITS TO:
MICHAEL THEO MUTIA AKA DEHINS TRILLO
BRUCHER OWENS BARBARIAN

SPECIAL THANKS TO:
JERBOY LUPISAN of Jerboy Must Die!


Get this gadget at facebook popup like box